
Mga artistang dapat maging inspirasyon
VERY proud ang actress na si Abby Viduya-Yllana sa pagtatapos ng kanyang mister, ang actor-politician na si Jomari Yllana sa kanyang master’s degree in Management major in Public Administration (Batch 2024) sa Philippine Christian College kamakailan lang.
At 48, walang limitasyon ang edukasyon.
Aware si Jomari sa akusasyon ng marami na wala umanong alam ang karamihan sa mga artista na pumapasok sa larangan ng pulitika kaya bumalik siya sa pag-aaral kahit may edad na siya. Hindi lamang niya tinapos ang kolehiyo kundi he also took his master’s degree on public administration na ginawa rin ng dancer,singer, actor, TV host at politician na si Jhong Hilario na tinatapos ngayon ang kanyang last term bilang number one councilor sa unang distrito ng Makati City. Last term na rin ni Jom (Jomari) bilang konsehal ng first district ng Paranaque at kandidato naman sa 2025 mid-term election ang kanyang misis na si Abby Viduya-Yllana sa pagka-konsehal for the same district.
Kahit ang actor-politician na si Isko Moreno ay tinapos din ang kanyang pag-aaral gayundin ang actor-politician at film producer na si Alfred Vargas na konsehal naman sa 5th district ng Quezon City after his three-term bilang kongresista ng kaparehong distrito. Alfred finished his college sa Ateneo de Manila University habang ang kanyang master’s degree naman ay tinapos niya sa University of the Philippines. Maging ang dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista ay nagtapos ng college sa San Beda College and kumuha ng kanyang master’s degree sa U.P. . Katunayan, marami sa mga actor-politicians ay nagtapos ng kanilang pag-aaral bago nila pinasok ang larangan ng pulitika.
May ilan mang actor-politicians ang walang tinapos sa kolehiyo, hindi naman ito nangangahulugan na wala silang alam tulad ng ng Star for All Seasons na si Vilma Santos na nakapagtala ng magandang record at serbisyo sa kanyang 24 years in politics – from her being a mayor ng Lipa, Batangas ng tatlong termino o siyam na taon, governor ng Batangas for three terms and one term bilang kinatawan ng ika-6 na district ng Batangas. Katunayan, she’s again running for governor ng Batangas sa darating na mid-term elections.
Dahil sa ipinakitang magandang ehemplo ni Jomari at iba niyang kapwa artista na pumasok sa pulitika, tiyak marami pa silang mga kasamahan ang mai-encourage na bumalik at tapusin ang kanilang pag-aaral sa kabila ng kanilang edad at busy schedule.
Jak matatapos na ang dream house, kasal nila ni Barbie kasunod na
HINDI major star ang Kapuso singer-actor na si Jak Roberto pero marunong itong mag-save ng perang kinikita kaya nakapagpatayo ito ng maituturing na dream house na malapit nang matapos.
Jak was five (at two naman ang kapatid na si Sanya Lopez) nang pumanaw ang kanilang ama kaya natutunan niyang tumanggap ng mga odd jobs para lamang makatulong sa kanilang ina.
Ang bagong bahay ni Jak ay magsisilbi ring advanced birthday and Christmas gift niya sa kayang sarili as he will be celebrating his 31st birthday ngayong araw ng Lunes, December 2.
Nasa finishing touches pa ang construction, kaya hindi pa siguro sila makalilipat ng kanyang mother na si Marlyn at sister na si Sanya before Christmas. Pero kakaibang sense of fulfillment ang nararamdaman ng Kapuso actor habang malapit nang matapos ang kanyang dream house na siya rin mismo ang magi-interior design.
Very supportive naman ang girlfriend ni Jak na si Barbie Forteza sa pagiging masinop ng kanyang nobyo (of 7 years).
Katunayan, kasama si Barbie sa ground-breaking ng house construction in October 2022 at madalas din siyang kasama ni Jak sa tuwing nagi-spot check siya sa construction progress ng bahay.
Pagkatapos ng bahay, pag-iipunan naman ni Jak ang kanilang wedding plans ni Barbie.
Chito nananalig na malalampasan ni Neri ang malaking kaso
MAGSILBI sanang aral sa maraming celebrities ang nangyari kina Ricardo Cepeda at ang actress-businesswoman na si Neri Naig na nakulong nang dahil lamang sa paggamit ng kanilang mukha at pangalan for a certain product endorsement and investment na ang ending ay sila pa ang makakasuhan at makukulong habang ang tunay na may-ari ng produkto at kumpanya at may pakana ng investment ay hindi pa naaaresto hanggang ngayon.
Nakalaya na si Ricardo sa pagkakakulong na umabot din ng halos isang taon habang si Neri ay kamakailan lamang naaresto for a syndicated estafa na wala naman siyang kinalaman except for her endorsement.
Kung kelan pa naman magpa-Pasko ay hindi makakapiling ni Neri ang kanyang pamilya- ang asawang si Chito Miranda at ang kanilang mga anak at wala ring magmo-monitor sa operation ng kanilang mga itinayong negosyo kung saan hands-on si Neri.
Marami ang nakikisimpatiya kay Neri dahil ito pa ang nadiin sa kasalanang hindi naman niya ginawa.
Umabot umano sa P89M ang nakuhang investment sa mga biktima na hindi na naibalik sa kanila ng isang nagngangalang Chanda na hanggang ngayon ay malaya pa habang si Neri naman ang nagdurusa sa loob ng kulungan
Nananalig naman si Chito, mga kaanak at malalapit na kaibigan ng mag-asawa na malalagpasan din ni Neri ang kinakaharap na pagsubok.
Christian nilayasan si Tito Boy
WALA na sa poder ng “King of Talk” na si Boy Abunda ang singer at award-winning actor na si Christian Bables na lumipat na sa pangangalaga ng Cornerstone Entertainment kamakailan lamang.
“Grateful to be surrounded by people who lift me higher. Thank you for being so warm and welcoming, and @macmerla! Excited to start this journey with my new family and team, @cornerstone.
“I’ll also forever be appreciate of my Tito Boy Abunda for his guidance and for always putting my best interests at heart. Love you, Tito Boy!,” pagbabahagi ni Christian sa kanyang FB account.
#NewChapter #CornerstoneArtist.”
Magsisilbi ring maagang pa-birthday at Pamasko ang pagiging bahagi ng Cornerstone family ni Christian. The award-winning actor will celebrate his 32nd birthday sa December 6, araw ng Biyernes.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ, atbp with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.