Mga anak may tribute kay Dolphy

January 12, 2022 Aster Amoyo 4146 views

Quizon1KUNG nabubuhay pa ang Comedy King na si Dolphy, tiyak na proud ito sa kanyang mga anak lalung-lalo na kina Eric, Epy at Vandolph Quizon na siyang nagpatuloy ng kanyang legacy sa showbiz.

Ang magkakapatid na Eric, Epy at Vandolph ay mga pangunahing bituin sa bagong simulang gag show sa Net25, ang “Quizon CT (Comedy Center)” which premiered last Sunday, January 9, 8 p.m. Kasama rin sa nasabing programa ang misis ni Vandolph na si Jenny Quizon, Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Gary Lim, Tanya, Charuth at Billie Hakenson mula sa magkatulong na direksiyon nina Eric at Epy Quizon na siya ring nag-isip ng titulong “Quizon CT”. Ayon sa magkapatid na actor-director, tribute umano nila sa kanilang yumaong ama ang kanilang bagong gag-comedy show.

Although hindi si Eric ang panganay sa kanilang 18 na magkakapatid (apat sa mga ito ay yumao na), siya ang tumatayong spokesperson at kinatawan ng kanilang pamilya at kasama na rito ang planong pagpapatayo ng Dolphy Museum sa Dolphyville in Calatagan, Batangas.

During the virtual presscon ng “Quizon CT,” ibinahagi ni Eric na nakakuha umano sila ng developer partner para gawing residential subdivision ang almost 14-hectare lot na pag-aari ng kanilang yumaong ama, ang Dolphyville kung saan din itatayo ang Dolphy Museum, isang events place at shopping arcade. Dahil sa pandemya, ilang beses umano na-postpone ang construction at development ng nasabing lugar pero sisimulan na umano ito this year.

Samantala, it was Eric who encouraged his younger brother na si Epy na subukan na rin ang pagdidirek who started working with him as his assistant director (AD) sa ilan niyang mga proyekto before. In “Quizon CT,” they co-direct the show and eventually ay kaya na rin ni Epy na mag-direk ng mga solo projects in the future.

Kahit magkakaiba ang kanilang mga ina (except for Eric, Epy, Ronnie and Madonna na iisa ang ina), never umanong ipinadama ng kanilang ama nung ito’y nabubuhay pa na magkakapatid lamang sila sa ama. Tunay na magkakapatid ang kanilang turingan at close sila sa isa’t isa. Lahat umano ng special occasions tulad ng birthday ng kanilang ama, Christmas at New Year ay magkakasama silang lahat.

Sina Eric at Epy ay dalawa sa apat na anak ni Dolphy kay Alice `Baby’ Smith (Pamela Ponti). Anim ang anak ng comedy king kay Engracita Dominguez na sina Manny, Sahlee, Junior, Willy, Edgar at Rolly. May apat ding anak si Dolphy kay Gloria Smith – sina Mariquita, Carlos, Geraldino or Dino at Edwin. May isa itong anak kay Evangeline Tagulao na si Rommel, isa rin sa aktres na si Alma Moreno na si Vandolph at dalawa naman sa singer-actress na si Zsa Zsa Padilla, ang kanilang biological daughter na si Zia at adopted daughter na si Nicole. Out of the 18 children ay namayapa na sina Freddie, Rolly, Dino at Edgar kaya 14 na lamang sa magkakapatid ang buhay.

Samantala, inamin ni Eric na isa umano siya sa nalungkot sa naging outcome ng 2021 Metro Manila Film Festival pero naniniwala siya na ito’y temporary lamang habang nasa ilalim pa rin ang lahat ng pandemya. Naniniwala ang actor-director na babalik din sa dati ang interes ng publiko sa pagdayo sa mga sinehan kapag nasa normal na ang lahat.

MarkMark1Claudine at Mark Anthony ‘di nahirapan sa reunion movie

IT took almost 27 years bago muling nagsama sa pelikula ang dating magkasintahang Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez na nakagawa ng dalawang pelikula nung 1995 sa pamamagitan ng “Mangarap Ka” at “Pare Ko”. Since they were still in their teens nang maging sila, nauwi ito sa kanilang maagang paghihiwalay at nagkani-kanya na rin sila ng buhay. Hiwalay na rin sila sa kanilang respective partners kung kanino sila may mga anak. Dalawa ang anak ni Claudine sa kanyang ex-husband, ang actor na si Raymart Santiago, ang kanilang adopted daughter na si Sabina at ang kanilang biological son na si Santino. Hiwalay na rin si Mark sa kanyang non-showbiz ex-wife na si Melissa Garcia kung kanino siya may isang anak, ang teen actor na si Grae Cameron Fernandez.

Sa aming exclusive interview kay Claudine para sa aming online show na “TicTALK with Aster Amoyo” ay inamin sa amin ng aktres na si Mark Anthony ang kanyang first love pero greatest love umano niya ang namayapang actor na si Rico Yan. Matagal na rin siyang hiwalay sa kanyang ex-husband na si Raymart at hindi ikinakaila ng aktres na hindi umano sila in good terms kahit may dalawa silang anak.

Sina Claudine at Mark Anthony are reunited in a Joel Lamangan film, ang “Deception,” isang crime drama-suspense-thriller movie na sinulat ng writer-director na si Easy Ferrer jointly produced ng Borracho Film Production ni Atty. Ferdie Topacio at Viva Films. Ito ay nakatakdang ipalabas sa streaming app ng Viva, ang Vivamax simula sa January 28.

It was the newbie producer, Atty. Ferdie Topacio who thought of the idea na magbalik-pelikula si Claudine na matagal-tagal na ring hindi napapanood hindi lamang sa pelikula kundi maging sa telebisyon. When the feisty lawyer sat down with Boss Vic del Rosario of Viva, ito ang nag-suggest na gawin na rin itong reunion movie nina Claudine at Mark Anthony na nataong contract talent ng Viva. Sa simula pa lamang ng proyekto ay sina Claudine at Direk Joel na ang nasa isip ni Atty. Topacio at bonus umano ang pagpasok ni Mark Anthony who was just too glad to do a reunion flick with his ex-girlfriend.

Inamin pareho nina Claudine at Mark Anthony na bukod sa kamustahan, tinanong din nila ang isa’t isa na kung sakaling sila ang nagkatuluyan, ilan kaya ang kanilang naging anak? Sila pa rin kaya hanggaang ngayon o hiwalay na rin tulad ng ibang couples? Pero napaka-light ng kanilang usapan at nagpapasalamat sila na napanatili nila umano ang pagiging magkaibigan kahit matagal na silang hiwalay.

“Kaya hindi kami nagkaroon ng problema while doing the movie (“Deception”),” pag-amin ni Claudine.

Puring-puri naman ni Direk Joel ang dalawa at nakita niya na lalo umanong lumalim at humusay ang acting ng dalawa dahil na rin siguro sa mga naging karanasan nila in the past.

“Maraming beses napabalita noon na magkakaroon ng reunion movie sina Claudine at Mark Anthony pero hindi natutuloy kaya ako na ang gumawa ng paraan na maisakatuparan ito,” deklara ng newbie producer na si Atty. Topacio.

Kung matutupad, gusto rin ni Atty. Topacio na gawan ng pelikula sina Claudine at nakatatanda nitong kapatid na si Gretchen Barretto maging ang biopic ng religious leader na si Pastor Apollo Quiboloy. Malapit na ring matapos ang true-to-life movie na “Mamasapano” na siyang major project ng Borracho Film Production.

Ipagpapatuloy din ng Borracho ang pagpu-produce ng digital concerts na kanyang sinimulan in November 2020 sa ex-PBB grand winner na si Myrtle Sarrosa.

AlexaAlexa at KD nagkaroon ng special connection

WALANG alinlangan na nagkaroon ng special connection sa pagitan ng singer-actress na si Alexa Ilacad at ang singer, Podcaster, YouTuber at kapwa niya celebrity ex-housemate ng Pinoy Big Brother Komunity Season 10 na si KD Estrada kahit nung kapwa pa sila nasa loob ng PBB house. Ang closeness ng dalawa ay kanilang ipinagpatuloy sa outside world magmula na pareho na silang magkahiwalay na ma-evict sa PBB house.

Since music ang kanilang common ground, hindi nahirapan ang dalawa na kumonek sa isa’t isa.

Sina Alexa at KD ay dalawa sa mga featured performers ng ten-day fund-raising concert na “By Request” na ang malilikom na pondo ay para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE