John

Mga anak kay Janice bantay ni John sa ospital

July 26, 2024 Vinia Vivar 231 views

Naka-confine pala ngayon si John Estrada sa ospital.

Makikita sa ibinahaging Instagram Story ng anak ng aktor na si Kaila Estrada na nakahiga ang ama sa hospital bed habang nakaupo naman sa tabi nito at tila nagbabantay ang kapatid niyang si Moira Estrada.

Kapansin-pansin na may dextrose ang kanang kamay ni John.

Walang detalyeng sinabi si Kaila kung ano ang sakit ng ama pero nakangiti naman ang aktor sa larawan kaya hopefully ay hindi grabe ang kanyang karamdaman.

Sa kasalukuyan ay living alone si John kaya marahil ay isa rin ito sa mga dahilan ng kanyang pagkakasakit.

Nasa Brazil kasi ang asawa niyang si Priscilla Meirelles kasama ang kanilang nag-iisang anak.

Inamin ng aktor kamakailan sa kanyang IG post na napagkasunduan nllang mag-asawa na maghiwalay pero kinontra ito ng misis niya at sinabi na hindi “mutual” ang kanilang separation.

Hangad naman ng malalapit sa kanila ang kanilang pagkakaayos.

AUTHOR PROFILE