
Melai sa concert ni Regine: ‘Indeed Queen talaga’
FULL support ang mga host ng Magandang Buhay na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal sa concert ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa SM Mall of Asia, Sabado, Nobyembre 25, 2023.
Sa Instagram post ng aktres na si Melai, sinabi niyang, “Indeed a Queen talaga @reginevalcasid , congrats Momshei Reg sa iyong #RockRegine Concert, grabeeeeeee sana nasa spotify na ang mga rock songs na kinanta mo sa concert momshie Reg para ma-save kona sa playlist ko.”
Dagdag pa ng “Ma’am Chief” star, wala umanong katumbas ang ipinakitang performance ni Regine sa concert.
Aniya, “Grabeeeeee talaga ang experience kagabi salamat Lord at safe and napagtagumpayan ni momshei Reg ang concert kasi ‘di n’ya usually ginagawa ang mag head-bang and mag-sayaw din.
Ang mag-balance ng sasakyan niya sa stage with elevator pa sa stage.”
Samantala, todo pasalamat naman si Regine dahil successful ang kanyang bonggang Regine Rocks concert.
“Hello everyone, thank you for being with us last night. I’m so grateful that you guys enjoyed the concert…” sey ni Regine.