Melai Larawan mula sa IG/@mrandmrsfrancisco

Melai ‘parang naasawa ang sariling tatay’ kay Jason

October 12, 2023 People's Tonight 566 views

AYON sa actress-comedienne na si Melai Cantiveros ay para raw naasawa niya ang sarili niyang ama nang maging karelasyon niya si Jason Francisco.

Ibinihagi ng “Magandang Buhay” host sa kanyang Instagram page ang ilang larawan kasama ang kanyang buong pamilya upang batiin ang asawa niyang si Jason na nagdiriwang ng kaarawan.

Nagbigay ng nakakaaliw na mensahe si Melai para kay Jason sa caption ng kanyang post.

Inilarawan niya pa nga ito bilang kanyang “forever enemy/lover” at nagpasalamat dahil wala na siyang matatagpuan na katulad ni Jason.

Hirit pa nga ni Melai na tila naasawa niya raw ang tatay niya dahil nakita niya ang pagkakatulad nila ni Jason. Biro pa ng actress-comedienne na guguluhin nito si Jason habang buhay.

“Happy [b-day] [my] forever enemy/lover. Thank you Lord that [I], found you… kasi ‘di ako maka [kita] sa buhay ko dahil ikaw ang [perfect] of [discipline] sa buhay ko,” pahayag ni Melai.

“Parang naasawa ko ang tatay ko and that you Mr. Jason Francisco pero papangako at sisisguraduhin ko sayu na guguluhin ko buhay mu,” dagdag pa niya.

Binaha naman ng birthday greetings mula sa ilang personalities at netizens ang comment section ni Melai para batiin si Jason.

AUTHOR PROFILE