Default Thumbnail

Media support hiniling ng Customs official

May 16, 2024 Christian D. Supnad 169 views

LIMAY, Bataan–Hiniling ng opisyal ng Bureau of Customs ang suporta ng media para lalong magtagumpay ang ahensiyang sa misyon nito.

Ang pakiusap ni dating District Collector William B Malayo, suportahan sana ang pumalit sa kanya na si Atty. Kriden Balgomera, ang bagong district collector sa Port of Limay.

“Mabait naman si Collector Balgomera. Sana suportahan nyo siya. Kaibigan ko rin siya,” ani Balayo.

Pinangangambahang bumalik ulit ang mga ‘maliligayang araw’ ng mga smugglers sa mga ports ng Bataan matapos tanggalin ang kanilang number one nemesis noong Biyernes ng Bureau of Customs.

Si outgoing District Collector Lawyer William B. Balayo, na Certified Public Accountant, ang nag iisang collector dito na nakapagpa convict, sa kabila ng death threats, sa apat na smugglers sa ports ng Bataan.

Kilala ang Port of Limay sa pagiging notorious at favorite dumping ground ng mga smugglers ng mga petroleum products at iba pang contrabands dahil sa pakilipagsabawatan ng ilang personnel dito sa mga smugglers.