Default Thumbnail

MC sumemplang; buntis dedo, ka-live in sugatan

September 13, 2023 Zaida I. Delos Reyes 265 views

PATAY ang isang 36-anyos na buntis habang sugatan namana ang kanyang live-in partner matapos na sumemplang ang kanilang sinasakyang motor sa bayan ng Carmen, Northern Cebu.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan sa Danao City ang biktimang si Nelia Tacocong habang sugatan naman ang kanyang live-in partner na si Dennis Badayos.

Batay sa ulat ng PNP, naganap ang insidente dakong 5:00 ng hapon sa national highway ng Barangay Poblacion, Carmen, Cebu.

Ang mga biktima ay nakitang nakahandusay sa kalsada ng mga rumispondeng rescuer.

Agad silang dinala sa pagamutan subalit hindi nailitas pa ang buntis na ginang.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang malaman kung ano ang dahilan ng aksidente.