Default Thumbnail

Mayor ng Mabini, 2 kapatid arestado sa droga, armas

June 18, 2023 Zaida I. Delos Reyes 260 views

INARESTO ng mga awtoridad ang alkalde ng Mabini, Batangas, at dalawang kapatid nito dahil sa illegal na pag-iingat ng armas at pasabog.

Batay sa ulat ng PNP, si Mayor Nilo Villanueva at mga kapatid na sina Bayani at Oliver ay inaresto sa Villanueva Compound, Sitio Silangan, Baranagay Sto. Tomas sa Mabini, Batangas.

Ang tatlo ay inaresto sa magkakahiwalay na operasyon batay sa search warrant na inilabas ng korte.

Napag-alaman na si Bayani Villanueva ay chairman ng Barangay Sto Tomas habang si Oliver Villanueva ay dating pulis.

Nakuha umano mula sa magkakapatid ang iba’t ibang uri ng armas, bala at pasabog.

Dinala ang magkakapatid sa Camp Crame para sa pagsasampa ng kasong illegal possession of firearms and explosives at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ang operasyon ay isinagawa bilang bahagi ng Oplan Panlalansag Omega ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group.