Phivolcs

Mayon yumanig ng 50x; bato gumuho ng 107 beses

August 22, 2023 People's Tonight 166 views

UMAABOT sa 50 pagyanig at 107 beses na may gumuhong bato sa paligid ng Mt. Mayon sa nakaraang 24 na oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, kabilang sa pagyanig ang 36 na volcanic tremors na may tagal na pitong hanggang 32 minuto at 10 pyroclastic density current (PDC) events.

Nagkaroon din ng mabagal na pagdaloy ng lava na umaabot ng 3.4 kilometro sa Bonga Gully, 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.1 kilometro sa Basud Gully.

Ayon sa Phivolcs, posibleng maganap ang mga pagguho ng mga bato, pagguho ng mga piraso ng lava, patuloy na paglabas ng usok, banayad na pagsabog at pagguho ng lahar kung sakaling uulan sa paligid ng bulkan.

Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ninuman sa loob ng anim na kilometrong permanent danger zone at paglipad ng lahat ng eroplano sa ibabaw ng bulkan.

Nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang bulkang Mayon.

AUTHOR PROFILE