
May tattoo na itinatago
MALA-ALAK ang epekto ng kaseksihan ng vlogger-turned-actress na si Zeinab Harake, dahil talaga namang mawawala sa katinuan ang sino mang kalahi ni Adan na susubok na tumitig at pagpantasyahan ito.
Sa kanyang Instagram page nitong Lunes, Marso 25, ibinahagi ng ‘Kampon’ actress ang ilang promotional pictures para sa isang produkto.
Bukod sa ibinidang inumin, ibinandera rin ni Zeinab ang kanyang angking curvaceous body na lalong naging kapansin-pansin sa suot niyang pink two-piece swimwear habang nasa swimming pool.
Sa isang larawan bumulaga ang tambok ng wetpaks ng social media star, pati na ang hubog nitong pinagpipiyestahan lagi ng mga barako. Kita rin ang tattoo sa kanyang likod na nakatago pag ito ay nakadamit.
Hanggang zoom in lang din ang mga kelot sa larawan niya dahil hindi na nila pwedeng maigarahe si Zeinab. Malabong magkaroon sila ng tiyansa sa vlogger-actress lalo na’t nobyo nito ang Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks Jr.