Magi

May mga taong mas mapalad kaysa sa iba

October 12, 2024 Magi Gunigundo 257 views

Kung ang karukhaan ng mahihirap ay hindi dulot ng mga batas ng kalikasan kundi ng mga institusyon ng tao, malaki ang ating kasalanan.- Charles Darwin

BUKAN bibig ng mga kandidato tuwing kampanya namaghahatid sila ng pagbabago. Sa kanilang pakiwari, ang orasyong ito ang gagayuma sa napakaraming botante nanangangarap guminhawa ang buhay ng pamilyang salat samaraming bagay at serbisyong binibigay ng pamahalaan. Ngunit sa kabila ng mga nagdaang halalan, nananatili pa rin ang malaking agwat ng estado ng buhay ng libo-libong mayaman at milyun-milyong mahirap. Ganyan lang talaga ang buhay saPilipinas, may mga taong mas mapalad kaysa sa iba.

Ayon kay Thomas Nagel( What does it all mean?, ©1987) suwerte lang ang dahilan ng pagiging mayaman o mahirap ng tao sa mundo. Mula pa lang sa sinapupunan, nakakaungos naagad ang anak ng mayamang pamilya na isisilang samaginhawang tahanan , at lalaking sagana sa maraming bagay, esensyal man o hindi, at makakapagtamo ng de kalidad naedukasyon, at mayroon kapital ang magulang at malawak nakoneksyon ang pamilya na magagamit sa negosyo, pulitika at ano mang propesyon na papasukin ang bata. Samantala, ang ipinanganak sa dukhang pamilya ay hindi nakakakuha ng sapatna masustansyang pagkain at di maayos na alagang medikal at tatanggap ng mahinang uri ng edukasyon, at kung palarin namakapagtapos ng kolehiyo, sariling sikap ang bata sapaghahanap ng trabaho o sa pagtatayo ng maliit na negosyo. Biktima sila ng kontraktuwalisasyon na nagbubulid sa kanila namag-OFW kahit na ang trabaho ay 3D( domestic, dirty or dangerous).

Walang oportunidad na maging dambuhalang negosyanteang anak ng mahirap, maliban na lamang kung siya ay magingmanugang ng mayamang pamilya o di kaya ay isinilang na may pambihirang talino o kakayahan tulad ng mga atleta sa Olympics at iba pang isports. Samakatuwid ,dalawang bagay ang pinagmumulan ng pagiging mayaman o mahirap ng tao: una, socio- economic class kung saan ipinanganak ang tao; at ikalawa, ang pagkakaiba sa likas na kakayahan o talento.

Pinaliwanag ni Gregory Clarke ( The son also rises, ©2014) na ang estado ng buhay at trabaho ng lolo at lola ay mahusay na batayan ng magiging buhay at trabaho ng apo, maliban na lamang kung sila ay taga- Estados Unidos o sa mgabansa sa Scandinavia. Makatarungan ba na may isinilang namayaman at may isinilang na mahirap, at ang una ay lalasap ng pakinabang na hindi pinagpawisan at ang huli ay magdurusa ng kakapusan na hindi naman nila kasalanan ? Maraya ba na may isinilang na may likas na talino o abilidad kumpara sanakakaraming pangkaraniwang bata na sinasabi ni Darwin nabatas ng kalikasan. Ibang uri naman ng hindi pagkakapantay-pantay ang diskriminasyon sa lahi,kulay ng balat,relihiyon, unang wika, kultura, at kasarian na malinaw na kasalanan ng tao.

Kung suwertihan lang ang dahilan ng hindi pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan, mayroon pa bang magagawa ang pulitiko tungkol dito upang mabago ang tadhana ng langit? Dapat bang gamitin ng pamahalaan ang kapangyarihan ng pagbubuwis sa kita ng mayaman at gamitin ang buwis sapagpapaganda ng serbisyo medikal, pagpapahusay ng kalidad ngedukasyon, mekanisasyon sa pagtatanim, pag-ani at paglalakong mga pananim at huli ng magbubukid at mangingisda, at pagpapaberde ng kabundukan?

Kay inam sana kung ang ibinoboto ay maagap, malalimang kamalayan sa kanilang pananagutan sa taong bayan atuunahin ang interes ng marami kaysa sa sarili, nakikinig sa mgarekomendasyon ng dalubhasa sa pagpili ng tama at hindibaluktot na prayoridad ng pamahalaan na bubuhusan ng sapat napondo at sinisinop ang paggastos ng buwis na pinagpawisan ng taong bayan. Kailangan aminin na talagang kapus-palad din ang mga botante dito.

AUTHOR PROFILE