Maxene Larawan mula sa IG/@maxenemagalona

Maxene kay Francis M: Rest in peace, Papa

November 2, 2023 People's Tonight 252 views

ITINATABOY ng aktres na si Maxene Magalona ang lahat ng negative energy ngayong buwan.

Sa kanyang Instagram page nitong Huwebes, Nobyembre 2, ibinahagi ng aktres ang isang selfie habang siya ay nasa La Union.

“No negativity November,” saad ng anak ni Francis M.

Sey ni Maxene good vibes good vibes lang ngayong buwan kalakip ang isang paanyaya ng meditation at yoga class sa kanyang pangunguna.

“Release negative energy and breathe good vibes,” wika pa niya.

Napa-comment naman ang ilang netizens sa post ni Maxene.

“So pretty! Look a like your dad.”

“Hope to join one of these days.”

“You’re so pretty ate Maxene!!”

Matatandaang kamakailan ay nagbahagi rin si Maxene ng isang throwback video kasama ang kanyang yumaong ama.

Mapapanood sa video na nagra-rap si Francis M habang masayang-masaya siyang pinapanood ni Maxene.

“Rest in peace, Papa,” pahayag ng aktres sa caption ng nasabing post.

“This is how you do it. You protect your parent’s legacy not ruin his reputation or dig up controversy. Stay classy!” komento ng isang netizen.

AUTHOR PROFILE