Matteo

Matteo magiging dark horse ba?

December 26, 2023 Joey Aquino 143 views

TAHIMIK ang pelikula ni Matteo Guidecelli na ‘Penduko’.

Ito ang obserbasyon namin nitong nakaraang mga linggo. Maging sa news feed ko, wala rin gaanong posts akong nakikita kung ikukumpara sa ingay ng ‘Mallari’ ni Piolo Pascual. Marahil kampante ang Viva Films na kikita ang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2023. Pero nabago ang lahat nang magsimula ang Metro Manila Film Festival noong araw ng Pasko, Disyembre 25. Ngayon, lumilikha na ito ng ingay sa takilya. Makatulong na rin marahil ang magandang feedback nito sa premiere night, kung saan nakasama pa ni Matteo ang misis na si Sarah Geronimo bilang pagpapakita nito ng suporta sa asawa.

Maganda rin ang rating na nakuha nito na General Audience (G) mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Ibig sabihin nito walang age restriction, suitable for all audiences. This gives more advantage to the movie, giving all access to the children. Maganda rin ang review ng ilang kasamahan sa panulat na nanood sa world premiere nito, kamakailan. Kitang-kita raw na pinagkagastusan ito. Action fantasy ang pelikula kaya tiyak na magugustuhan ito ng mga bata. Dahil Pasko, sila ang may buying power ngayon. Naging tradisyon sa holiday filmfest na marami sa mga bata ang nagyayayang manood ng pelikula pagkatapos nilang mamasko dahil may pera sila.

Kung ibabase sa G rating at sa magandang review nito, walang duda na papalo ito sa takilya. Ito ay kahit na, admit it or not, wala pang nakikitang appeal kay Matteo bilang action star dahil sa kanyang height. Hindi lahat ng bata kilala siya kahit asawa pa siya ni Sarah Geronimo. Pero kung iisipin, hindi rin bagay maging action star si Coco Martin kung height ang sukatan. But he’s able to break the action star stereotypes.

While he is fully supported by his wife Sarah, Matteo has yet to prove that he can stand on his own. At mukhang ito ang patutunayan niya sa ‘Penduko’. Will Matteo be the fimfest’s dark horse both in the box office and acting awards ngayong gabi (Disyembre 27)? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon.

Makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE