Matteo binati ang ina ni Sarah

May 10, 2021 Aster Amoyo 727 views

NAG-POST si Matteo Guidicelli sa kanyang Instagram account kung saan sabay niyang binati ang kanyang mom na si Glenna Fernan-Guidicelli at mother-in-law na si Mommy Divine ng “Happy Mother’s Day”.

“A special treat for our mama! It’s not always easy to find the right way to express our feelings, but sometimes, a simple gesture like preparing a plate of pasta can truly become the best one. Spread your appreciation to your moms and make it extra special with @barilla! Happy Mother’s Day to my mama Glenna and mommy Divine.#ASignOfLove,” post ni Matteo sa kanyang IG.

Dahil dito, maraming malalapit na kaibigan ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo ang natuwa.

Naniniwala ang mag-asawa na lahat ay pinaghihilom ng panahon at darating din ang araw na mabubuo ang kanilang dalawang pamilya at makukuha na ring tanggapin ng pamilya ni Sarah si Matteo at pamilya nito.

Maganda ang ginawang gesture ni Matteo sa ginawa nitong pagbati sa kanyang mother-in-law kahit hindi pa siya natatanggap nito hanggang ngayon.

A good-natured person, edukado at galing sa isang buena familia, wala na sigurong maipipintas pa ang parents ni Sarah sa kanilang manugang liban sa kanilang paglilihim ni Sarah ng kanilang pagpapakasal nung February 20, 2020.

Samantala, ngayong mahigit isang taon na ang pagsasama bilang couple nina Sarah at Matteo, umaasa naman ang mga taong malapit sa dalawa na sana’y magkaroon na ng baby ang dalawa. Tiyak na hindi makatitiis ang parents ni Sarah na hindi makita ang kanilang magiging apo.

Michelle maganda ang career sa South Africa

NATATANDAAN pa ba ninyo ang dating beauty queen-turned actress na si Michelle Aldana, ang nanalong Mutya ng Pilipinas at Miss Asia-Pacific International nung 1993?

Michelle is making her showbiz comeback sa pamamagitan ng upcoming primetime TV series ng GMA, ang “Love You Stranger” na tatampukan ng magkasintahang Gabbi Garcia at Khalil Ramos kasama si Gil Cuerva.

After her reign as Mutya ng Pilipinas at Miss Asia-Pacific International nung 1993 ay pumasok siya ng showbiz in 1994. Ilan sa mga pelikulang kanyang ginawa ay ang “Hindi Pa Tapos ang Laban” with movie king Fernando Poe, Jr. “Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko,” “Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa,” “Hawak Ko ang Buhay Mo,” “Estranghero,” “Wala Nang Iibigin Pang Iba,” “Segurista” at iba pa.

Taong 1998 nang lisanin niya ang showbiz to marry her German businessman fiancé na si Christoph Heinermann. Ang dalawa ay ikinasal nung June 9, 2001 at nagkaroon ng dalawang anak na sina Dustin at Kai. After being based in Germany, taong 2002 nang sila’y mag-move sa South Africa. In South Africa ay nagsimulang maging businesswoman si Michelle. The couple put up a Eurasian restaurant na nagsi-serve ng Western and Asian foods – ang The Midlands Forest Lodge. In South Africa ay unti-unti ring na-recognize ang pagiging actress-model ni Michelle at napasama siya sa ilang TV series at kasama na rito ang “The Wild” at ang “Generations: The Legacy” kung saan siya gumanap sa papel ng isang Chinese migrant na si Mei Young. Nakagawa rin siya ng ilang TV commercials at kasama na rito ang Samsung at Allan Gray, isang investment company sa South Africa.

After 15 years, nagkahiwalay sina Michelle at husband niyang si Christoph. In 2014, she married her second husband from South Africa na si Edward Burke kung kanino siya may isang anak.

Bukas pa rin ang communication ni Michelle sa kanyang former manager na si Ricky Gallardo hanggang ngayon. Whenever Michelle visits Manila ay nagkikita ang dalawa at nang dumating ang offer ng GMA for her to be part sa bago nilang teleserye ay tinanggap ito ng dating beauty queen-actress kahit sa South Africa na siya naka-base.

Dapat sana’y magsisimula ang lock-in taping ng “Love You Stranger” last February pero nang muling muling mag-lock down last March ay naurong ang taping ng serye kaya bumalik muna ng South Africa si Michelle at babalik na lamang ng Maynila kapag tuloy na ang taping.

Si Michelle ay unang nagtapos ng Bachelor of Arts in European Language and took-up another course sa University of Johannesburg in South Africa.

Bukod sa business, acting at modeling in South Africa si Michelle ay isa ring yoga teacher doon.

Maja ipinakilala na ang first batch ng talents

IT was only last March nang itatag ni Maja Salvador ang kanyang sariling artist talent management company, ang Crown Artist Management, Inc. (CAMI) kung saan siya ang tumatayong president & CEO at business partners naman niya ang kanyang businessman boyfriend na si Rambo Nunez, Rambo’s mother na si Marilen Nunez plus two others.

Although earlier ay napabalita na ang talent management ni Maja ang magma-manage sa career ng actor na si John Lloyd Cruz, wala pa rin itong kumpirmasyon hanggang ngayon. Gayunpaman, official nang ipinakilala ng CAM ang first batch ng kanilang mga contract talents kung saan kabilang ang kapatid ng singer-writer, record producer, actor-model na si James Reid na si Lauren Reid. Si Lauren ay isang Filipino-Australian model, actress, blogger and events host. Ang iba pang talents ay sina Guel Espina (Island Boy in the City), Gino Santos (Hip Director), Andrei Suleik (New Age Photographer), Jarlo Base (Hunk Singer), Yanee Alvarez (Modern Mom), Paty Ang (Fashion Tycoon) at si Jessie Salvador (The New Salvador).

Sa teaser video ng CAM, nakalagay doon na ang direction ng talent management company na pinamumunuan ni Maja ay to “develop, manage and provide sustainable careers to all our artists across TV, film, print, music, events and digital media”.

Siyempre pa, ang number one talent ngayon ng CAM ay walang iba kundi si Maja.

Si Maja ay dating nasa pangangalaga ng Star Magic ng ABS-CBN sa loob ng halos 18 taon since she started her showbiz career in 2003.

Nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN nung May 5, 2020, isa si Maja sa kumalas sa kumpanya at kasunod na rito ang pagbuo niya ng sariling talent management company with the help ng kanyang businessman boyfriend na si Rambo.

Si Maja ay huling napanood sa hit primetime TV series ng ABS-CBN, ang “The Killer Bride” na nagtapos nung early 2020 bago nito tinanggap ang programang “Sunday Noontime Live” (SNL) ng Brightlight Productions na ipinalabas sa TV5. Pero ito’y tumagal lamang sa ere ng tatlong buwan. Dito ay nakasama niya sina Piolo Pascual, 2018 Miss Universe na si Catriona Gray at si Jake Ejercito. Sina Maja at Piolo ay naging bahagi for so many years ng “ASAP Natin `To” ng ABS-CBN na siyang naging katapat ng SNL. May bago ring series na tumatakbo ngayon si Maja sa TV5, ang “Nino Nina”.

Samantala, ang hit primetime TV series na tumatakbo ngayon sa Kapamilya Channel (including TV5, A2Z Channel 11, Sky Cable at iba’t ibang online and digital platform) na “Init sa Magdamag” na tinatampukan nina Gerald Anderson, Yam Concepcion at JM de Guzman was first offered to Maja pero ito’y kanyang tinanggihan bilang respeto umano sa kanyang nakabalikang boyfriend na si Rambo. Alam ng lahat na si Gerald ay ex-boyfriend ni Maja. Although hindi pinagbabawalan si Maja ng kanyang nobyo, si Maja na mismo ang umayaw sa proyekto at si Yam ang naging second and final choice.

Subscribe, like and share “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on my Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE