
‘Matigas’ ni Bong Revilla kasado na
Ibinalita ni Sen. Bong Revilla sa kanyang recent Facebook Live na kasado na ang season 3 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Mukhang ito muna ang pagkakaabalahan ng aktor/politiko at hindi na nga niya itutuloy muna ang pelikulang Alyas Pogi 4.
Matatandaan na ang nasabing film ang ginagawa ni Sen. Bong bago siya naaksidente last April at balak nga sana niyang ipasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.
Pero dahil sa kanyang aksidente sa Achilles Tendon ay inoperahan ito at kakailanganin ng six months ang recovery ng kanyang paa.
Dahil dito ay hindi siya pwedeng gumawa ng mga action scene.
“Di bale, okay lang. Tolome muna tayo,” sey ni Sen. Bong sa FB Live.
“Meron nang season 3 ang ating Tolome. Mukhang pahinga muna ‘yung Alyas Pogi natin,” aniya.
Sa ngayon ay napapalakas na niya ang kanyang paa pero hindi pa rin pwedeng tumakbo.
Wala na siyang saklay at nakakalakad nang mag-isa.
Natutuwa naman ang action star na mabilis ang kanyang recovery. It’s only been almost three months since his surgery, pero malaki na ang improvement ng kanyang paa.