Default Thumbnail

Matagumpay na bloodletting sa SM Camanava Malls

October 2, 2023 Marlon Purification 420 views

Marlon PurificationAYAW magpaawat ng mga kaibigan natin sa SM Malls sa may bahagi ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area.

Kamakailan ay muling naglunsad ng kanilang blood letting projects ang SM sa Grand Central at Sangandaan Malls sa Caloocan at SM City Valenzuela.

Taunang ginagawa ito ng SM management bilang bahagi ng kanilang ‘corporate social responsibility.’

Tinawag na ‘Dugong Bigay, Dugtong Buhay,’ ang aktibidades ay buong pusong sumusuporta sa ‘Voluntary Blood Donation Program’ na isinusulong ng Department of Health’s Philippine Blood Center (PBC) — sa pakikipagtulungan ng SM Foundation Inc. (SMFI) at SM’s Medical Services Division.

Umabot sa 100 units ng dugo ang nakolekta mula sa mga ‘successful donors’ na dumagsa sa SM City Grand Central, SM Center Sangandaan, at SM City Valenzuela.

Isang araw lamang ginawa ang ‘blood letting,’ at sa rami ng mga nakolektang dugo, nasisiguro kong marami ring pasenyte sa hospital ang makikinabang dito.

Sinabi ni SM City Grand Central’s nurse, Mary Grace Batoon, bago kuhaan ng dugo, ang mga donors ay dumaan sa masinsinang medical interview, physical check-up at blood tests sa mga qualified donors.

Nagkaroon din ng ‘lecture’ patungkiol sa blood awareness, kahalagahan at benepisyo sa kalusugan sa tuwing nagdo-donate ng dugo.

Taun-taon na isinasagawa ang ‘blood letting campaign’ ng SM management sa iba’t ibang panig ng bansa, alinsunod sa itinatadhana ng Republic Act No. 7719, ang National Blood Services Act of 1994, na humihikayat sa ating mga kababayan sa regular na pagdo-donate ng dugo, bilang pantustos at pandagdag pondo sa supply ng mga ligtas na dugo sa ating pampublikong hospital.

Congrats SM – CAMANAVA!

Gayahin nawa kayo ng iba pang malalaking kompanya sa bansa!

THANK YOU VACC

Isa tayo sa 14 na mamamahayag na binigyang-parangal ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) noong nagdaang Sabado, Setyembre 30 sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City.

Nakatataba ng puso ang makatanggap ng ganitong uri ng parangal, higit lalo ay mula ito sa isang prestiyosong samahan ng VACC na may malalim na adbokasiya sa pagtulong sa pamilya ng mga biktima ng krimen at lumalaban sa matinding korapsiyon sa pamahalaan.

Ibinigay ang parangal sa pagdiriwang ng ika-25-taong anibersaryo ng VACC.

Apat mula sa media ang binigyan ng Major Awards at sila ay sina Sherrie Ann Torres and Henry Omaga-Diaz of ABS-CBN, Jun Veneracion and Emil Sumangil of GMA Integrated News.

Samantalang ang inyong abang lingkod ay binigyan naman ng ‘Special Award,’ kasama ang mga batikang mamamahayag na sina Rio Araja ng Manila Standard, Manila Times columnist Arlie Calalo, ABS-CBN television host Zyann Ambrosio, Net 25 reporter Mar Gabriel, Henry Atuelan, Glen Juego, Rod Vega and Rene Sta. Cruz of GMA-DZBB; at Bayani ‘Peewee’ Bacuno na Quezon provincial correspondent GMA7.

Marami pang matataas na opisyałeś ng pamahalaan ang binigyan ng pagkilala at ilan sa kanila ay sina Senator Francis ‘Chiz’ Escudero, Nueva Ecija District IV Congressman Emerson ‘Emeng’ Pascual,Overseas Filipino Workers (OFW) Partylist Representative Marissa ‘Del Mar’ Magsino at Public Attorney’s Office chief Dr. Persida Acosta.

Gayundin sina PNP deputy chief for administration, Lt. Gen. Rhodel O. Sermonia; Brig. Gen. Jose Melencio ‘Tateng’ Nartates, Jr., chief of National Capital Region Police Office (NCRPO); Brig. Gen. John Kirby Brion Kraft, director Regional Police Office 13; Col. Hansel Matamis Marantan of Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR); Col. Ferdinand Marclino ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP), Capt. Michael Gabriel Maranggun of CIDG-Investigation Section; Assistant Regional Director Rommel Vallejo of the National Bureau of Investigation (NBI); dating NBI Officer-in-Charge Eric Distor at former Gen. Gilbert Cruz na undersecretary ngayon ng Philippine Anti-Organized Crime Commission.

Bukod sa amin, iba pang opisyales mula sa hudikatura at Department of Justice ang binigyan din ng natatanging pagkilala.

Naging panauhing pandangal sa naturang okasyon si DILG Sec. Benhur Abalos na nagbigay-pugay sa kadakilaan ng VACC sa paglaban sa masasama sa lipunan.

Bilang tugon, nais kongbatiin ang VACC sa kanilang ika-25 taong anibersaryo, lalo na sa mga opisyales nito, partikular na sina Chairman Boy Evangelista at Secretary-General James Kumar na isa ring kilalang pilantropo.

Muli, congratulations VACC and Thank You rin po sa inyo!