
Masarap papakin
KUNG mayroon mang Vivamax actress na talaga namang hindi pinagsasawaan at kinaaadikan ng mga barako ng social media, isa na roon si Denise Esteban.
Para sa kanyang mga male fans, para bang ipinagbabawal na gamot ang sexy star, dahil bukod sa kanyang nakaka-high na alindog, malakas din ang tama ng kanyang kaseksihan sa kanila.
Sa isa nga niyang Instagram post pinapak ng titig ang katawan ni Denise dahil sa mga larawang ibinahagi niya.
Good vibes ang dala ng awrahan ng bebot habang nakasalampak sa outdoor bed. Suot ang kanyang two-piece bikini, tagos sa screen ang hotness niyang dala sa netizens.
Mala-honey nga ang pagka-smooth at golden ng kanyang balat na tila mae-enjoy lasapin ng mga barako.
Maaaninag ang magandang kurba ng kanyang katawan at matatanaw sa malapitan ang kakinisan ng kanyang legs.
Walang pagdadalawang-isip na pinusuan ng netizens ang post ng aktres. Nilunod nga ng netizen sa papuri ang karisma ni Denise.
Pati ang kapwa niya Vivamax actress na si Chloe Jenna, napa-comment ng “napaka Latina mo!” sa post ni Denise.
Naging pamilyar ang publiko kay Denise dahil sa kanyang mga pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Kara Krus (2022), High (School) On Sex (2022), Halo-Halo X (2023), at Star Dancer (2023).