
Marjorie inakusahan si Dennis ng pisikal na pananakit
Isang bomba ang pinasabog ni Marjorie Barretto tungkol kay Dennis Padilla sa panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz kagabi na uploaded na sa YouTube.
Sinabi ni Marjorie na hindi close o estranged ang mga anak niyang sina Julia, Claudia at Leon kay Dennis. Isa sa mga dahilan nito ay ang paulit-ulit na kuwento ni Dennis sa mga panayam niya na lagi niyang pinalalabas na neglected siyang ama.
“Bakit sila estranged? For the past 10 years, wala ng ginawa si Dennis kundi magpa-interview nang magpa-interview, iiyak siya (at) magpapaawa siya and make him seem he really misses and I believe he does miss the children but the point here is napapahiya ang mga bata, nasasaktan sila na pinag-uusapan sila sa publiko and he may make it seem na hindi niya sinisiraan pero naba-bash ang mga anak ko tuwing nagpapa-interview siya.
“So, we always have common friends, ‘sabihin n’yo kay Dennis, the sooner he stops magpa-interview the faster ang reconciliation.
“Gusto ko lang klaruhin for 18 years na magkahiwalay kami (ay) pinapalabas niya na ako nagpe-prevent na maging close siya sa mga anak ko. Bini-brainswash ko ang mga anak ko laban kay Dennis, hindi totoo ‘yan, Ogie,” kuwento ng dating aktres na papasukin muli ang pulitika ngayong midterm elections.
Nu’ng naghiwalay daw sila, nahihiram ni Dennis ang tatlo dahil mga bata pa ang mga ito noon. Kaso wala umanong bukambibig ang komedyante kundi siraan si Marjorie.
“God is my witness, ako ang sinisiraan niya sa mga anak ko. Dennis, ‘wag mo itong ide-deny ever dahil ang lagi mong sinasabi sa tuwing susunduin niya ang mga anak ko, ‘Paglaki n’yo, I will tell you what your mom did to me. Paglaki n’yo… paglaki n’yo… paglaki n’yo. All the time.
“My children are protective of me, Ogie. Ito ang hindi ko maintindihan, ayaw mong maging tatay nila, he never fought for joint custody, never niyang hinihiram for sleep over ang mga anak ko simula nu’ng bata sila.
“Gusto mo (Dennis) ako ang magpaaral, ako ang financially 100% was me for 18 years, Ogie. Pero gusto mo akong siraan sa mga anak mo? So, what did you want to happen? Umuwi sila sa bahay ko, ako ang magpalaki, pero galit sila sa nanay nila?
“But I’ve always been honest with my children I’ll never lie to my children, so, alam nila ang buhay ko. So, my kids will always get so irritated. Okay we’re big already, okay what has she done that we don’t know, ‘di ba?
“And Dennis forgot that they (mga anak) grew up in a household na parati kaming (Dennis) nag-aaway. Bago ko naman iniwan si Dennis ay 14 years na akong nagtitiis. They grew up and they know kung ano ‘yung naging sistema ng aming pamumuhay as a married couple,” balik-tanaw ni Marjorie.
Tanong ni Ogie, ‘Paano kayo nag-aaway, talakan lang, wala namang pisikal?”
“He was physically abusive to me,” diretsong pag-amin ni Marjorie.
“He was physically abusive to me (and) he has a very bad temper and I’m sure maraming makakaalam nito na kung gaano siya nakakatawa sa mga tao, exact opposite niya, Ogie.
“Konting bagay lang na away, manununtok na ‘yan, mananampal na ‘yan! My kids saw that.
“And the biggest physical abuse that he did to me was when Julia was a few days old (at) kakapanganak ko pa lang sa kanya.
“Galit siya (Dennis) sa akin, parang I complained about something naglalakad ako…(natigilan si Marjorie)… I don’t know why I’m telling you this, I never spoke about it.
“Naglalakad ako papasok ng kuwarto from the back, he hit me so hard, laking tao ni Dennis. He hit me so hard in my ear lumipad talaga ako kasi hindi ako nakailag na talagang nawala ‘yung eardrum ko.
“Julia was days old (minuwestra kung gaano kaliit pa ang anak) like baby. Up to this day I suffered that, Ogie. Wala akong eardrum it had to be years after na-surgery ‘yun sobrang (lakas) ng impact niya, eh.
“I had to go to surgery that they had to re-create an eardrum, they had to get a portion of my skull to make it an eardrum and to this day, my kids, when they remember that, only because nawala na naman ‘yung graft and one infection of the ear because I’m prone to that, nawala na naman. So, everytime I have colds, dito (itinuro ang tenga) lalabas. So, everytime my kids see that, they’re reminded that’s what the father is. Dennis has a very explosive temper,” pagtatapat ni Marjorie.
Laging sinasabi ni Dennis na pagod na siyang mag-reach out sa mga anak niya para pansinin siya bilang ama.
“Bakit siya pagod na pagod, Ogie? Mga anak ko ba tinanong n’yo ba kung ano ang effect sa kanila ng ginagawa ni Dennis?
“Paano ka namin isasama kapag birthday ng mga anak natin, tension ang dala mo, eh. Bakit ang daming magkahiwalay, Ogie, puwedeng magsama. Bakit ikaw (Dennis), hindi? Bakit ang galit mo sa akin sobra-sobra? Naging mabuti ka bang asawa sa akin? Parang ang bait-bait mo sa akin tapos iniwan kita, eh. No, Dennis, no! I should have left you earlier, salbahe ka sa akin, dapat lang na umalis na ako sa relasyon na ‘yan bago mo pa ‘ko mapatay,” kuwento pa ni Marjorie.
Dagdag pa niya, “When I left you 18 years ago, I removed your power over me. I suffered so much physical abuse, financial abuse, verbal abuse even worst to me than physical abuse, I will take the beating anytime. But his verbal abuse (ay) mura na hindi mo alam kung saan nanggaling ang words and terms. I’ll take the role, ayaw kong maramdaman ng mga anak ko ‘yun! Hindi kita iniisip, hindi kita hine-hate all these years. I removed your power over me.”
Bukas ang People’s Tonight sa panig ni Dennis tungkol sa mga ipinagtapat ng ex-wife niyang si Marjorie. REGGEE BONOAN