
Maritime Zones Act pasado sa 2nd Reading ng Senado
NAIPASA ng komite ni Senador Francis “Tol” Tolentino noong Miyekules sa ikalawang pagbasa ng Senado ang Senate Bill No. 2492 o kilala bilang Philippine Maritime Zones Act matapos ang umaatikabong interpelasyon at serye ng mga indibidwal na amyenda.
Ang nasabing panukala ay naglalayong ideklara ang mga karapatan ng Pilipinas sa maritime zones nito, kinabibilangan ng underwater features para sa pagtatamasa at paglilinang ng mga Pilipino.
Si Tolentino, isponsor at isa sa mga pangunahing may-akda ng SB 2492 at siya ring tagapangulo ng Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones, ay pinangasiwaan ang panukalang batas dahil gagawin nitong makasunod ang Pilipinas sa United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa pagtatatag ng maritime zones.
Nauna rito, binanggit ni Sen. Tolentino na napapanahon at kinakailangan para sa Pilipinas na magkaroon ng sariling Maritime Zones Act.
Ayon sa senador, hindi lamang ito isang legal na obligasyon, kundi isang pangunahing pangangailangan para sa pambansa, pang-ekonomiya, at pangkalikasang seguridad ng Pilipinas.