Maris

Maris wagi sa international filmfest, hiwalay muna kay Anthony

April 28, 2025 Aster Amoyo 100 views

Maris1Maris2MALAYO na rin ang narating ng Kapamilya singer-actress, ex-PBB housemate at isa sa stars ng hit primetime series ng ABS-CBN, ang “Incognito” na si Maris Racal.

Maris came to prominence matapos siyang mapasama sa reality talent show na “Pinoy Big Brother: All In” nung 2014. Ito ang naging simula ng kanyang pagpasok sa showbiz both as singer and actress as she was signed-up by Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN. Naging bahagi rin siya sa dating all-girls dance group ng noontime show na “It’s Showtime,” ang Girltrends hanggang unti-unti siyang makilala bilang isang singer-songwriter at mahusay na actress.

It was through the hit primetime romantic drama series “Cant Buy Me Love” na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano nang hindi inaasahang umangat ng tambalan nina Maris at Anthony Jennings who played the roles of Irene Tiu at Snoop Manansala.

Dahil sa biglang pagsikat ng tambalan nina Maris at Anthony, naging sunud-sunod ang kanilang product endorsements bilang magka-loveteam at isinama din ang dalawa sa 2024 Metro Manila Film Festival movie ni Vice Ganda, ang “And the Breadwinner Is…” na siyang nanguna sa takilya among the ten official entries. Ito’y nasundan pa ng kanilang pagkakasama sa TV series na “Incognito” kung saan sina Richard Gutierrez at Daniel Padilla ang mga pangunahing bituin at first movie nilang dalawa exclusively for Netflix, ang “Sosyal Climbers” mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana na nag-number one sa nasabing streaming platform.

Dumaan man sa matinding kontrobersiya ang relasyon nina Maris at Anthony dahil sa mga pasabog ng ex-girlfriend ng actor na si Jam Villanueva, agad itong nalagpasan ng dalawa na tila walang iskandalong pinagdaanan.

Parehong mahusay na actor sina Maris at Anthony at kakaiba ang chemistry ng kanilang tambalan.

Bukod sa kanilang loveteam, may mga project din sila individually.

Hiwalay muna kay Anthony dahil si Maris ang solo lead star ng pelikulang “Sunshine” mula sa panulat at direksiyon ni Antoinette Jadaone under Project 8 Projects. Ang nasabing pelikula ay umikot na rin sa iba’t ibang international film festivals at nanalo na ng Crystal Bear for Best Film at the 75th Berlin International Film Festival. At nito lamang nakaraang April 25, ang pelikulang “Sunshine” premiered at the Far East Film Festival in Udine, Italy. Ang nasabing filmfest ay isa sa pinakamalaking Asian film festivals in Europe. At nagkataon naman na nakadalo si Maris na hindi maiwasang maging emotional sa naging response ng audience sa kanyang pelikula.

Sobra ang pasasalamat ni Maris kay Direk Antoinette na sa kanya ipinagkatiwala ang proyekto.

Isang taon din ang inilaan ni Maris sa training for the role ng isang gymnast para magampanan niya nang tama ang kanyang role in “Sunshine”.

“It was blood, sweat and tears,” aniya.

Nang mapanood niya ang pelikula for the very first time ay doon lamang niya na-appreciate nang husto ang paghihirap (sa training) in preparation for the movie.

Ang pelikulang “Sunshine” ay kuwento ng isang young gymnast na na-discover she was pregnant on the week of the national tryouts. On her way to the seller ng illegal abortion drugs ay may nakilala siyang isang mysterious girl who talks and thinks like her.

Dahil sa kanyang busy schedule, hindi napuntahan ni Maris ang ibang international film festivals kung saan kalahok ang kanyang movie.

Umaasa rin ang singer—actress na mapapanood ng kanyang mga kababayan sa Pilipinas ang “Sunshine” dahil very proud umano siya sa pelikula na tiyak na marami ang makaka-relate.

Samantala, hindi malinaw kung tuloy pa rin ang relasyon nila ni Anthony matapos ang matinding kontrobersiya na kanilang pinagdaaan. She was previously in a relationship with Piolo Pascual’s only son, Inigo Pascual at ang music icon na si Rico Blanco sa loob ng limang taon.

VG Mark wife material daw ang bagong GF na si Aira

MarkMark1Mark2Mark3WALA na palang communication ngayon sina Kris Aquino at Vice-Governor ng Batangas na si Mark Leviste matapos silang maghiwalay (muli) pagkatapos ng karaawan ng “Queen of All Media” sa Amerika nung Febuary 14, 2024. Si Kris na rin mismo ang tumapos sa kanilang relasyon.

Nung August 6, 2024, VG Mark met Sparkle artist, triathlete, social media influencer and former flight stewardess na si Aira Aquino Lopez sa isang double date arranged ng kanilang common friend. Since then ay halos inseparable na ang dalawa. Nagta-trabaho pa noon si Aira bilang flight stewardess una sa Cebu Pacific at pangalawa sa Philippine Air Alines. When she was signed up by Sparkle ng GMA, she decided to quit her job bilang flight attendant at nag-focus na lamang siya sa kanyang pagiging triathlete at social media influencer.

Twenty years ang kanilang age gap ni VG Mark, pero hindi umano ito issue sa kanilang dalawa dahil magkasundo umano sila sa maraming bagay. Aware din siyempre si Aira na may three grown-up children ang politician – sina Arielle (na nasa US), Ronin (na vice-mayor ng Lian, Batangas) at ang bunsong si C2 na graduating from high school sa La Salle – Greenhills. Ang tatlo ay nakilala niya during the surprise birthday party for VG Mark nung nakaraang December 2024. Nakilala na rin ni Aira ang mommy ng kanyang politician boyfriend.

Pero bago nakilala ni Aira ang pamilya ni VG Mark ay ito mismo ang gumawa ng paraan na makilala ang parents at mga kapatid ng Sparkle artist.

Since mahilig din sa sports si VG Mark, lalo siyang pursigido na ito’y ipagpatuloy dahil na rin kay Aira na isang disciplined athlete.

Dahil kandidato ngayon si VG Mark sa pagka-kongresista sa ikatlong distrito ng Batangas, all out ang ipinapakitang suporta sa kanya ng kasintahan. She would even drive herself from her hometown in Tarlac patungong Batangas para lamang ipakita ang kanyang suporta at pagmamahal sa nobyo.

“I don’t oblige her na pumunta ng Batangas para tumulong sa pangangampanya ko,” ani VG Mark. “Siya lang mismo ang may gusto na tumulong.”

Kahit pagod at puyat sa pangangampanya at sa pagganap sa kanyang trabaho bilang vice-governor ng Batangas, nakukuha pa ni VG Mark na puntahan si Aira sa Tarlac.

Sa aming exclusive na panayam sa dalawa para sa aming online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo,” inamin ni VG Mark na wife material umano si Aira na nagsabi namang `husband material’ ang boyfriend.

“Hindi naman kami magsasayang ng oras kung hindi namin iniisip ang magiging future naming dalawa,” pakli nila.

Nung nakaraang Valentine’s Day, nagkaroon ng special dinner ang dalawa sa Hong Kong at nagpalitan na rin sila ng mga regalo.

Ang paboritong suot na Ray-ban eyeglasses ni VG Mark ay regalo sa kanya ni Aira.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE