Maris Racal

Maris, nagpaliwanag sa viral meme

September 26, 2023 Vinia Vivar 321 views

Nilinaw ni Maris Racal na hindi naman siya nagalit na aksidenteng nagupit ang kanyang bangs kamakailan na mapapanood sa viral meme.

Makikita kasi sa nasabing meme na umiiyak si Maris habang nagtitipa sa laptop dahil sa kanyang micro bangs at sey niya sa caption ay nagmukha siyang lapis.

Labis itong kinaaliwanng netizens at nire-share nila to the point na nakaabot pa nga ng Thailand.

Sa video interview ng ABS-CBN News ay ibinahagi ni Maris ang kwento tungkol sa viral meme na ‘yun.

Aniya, umiiyak talaga siya that time dahil sa kanyang bangs.

“’Yung meme na ‘yun kasi, ginawa ko lang siya dahil umiiyak ako about my bangs. Kasi nagkaroon ng error sa shoot na nasama ‘yung hair ko,” paliwanag niya.

“Hindi naman ako sobrang nagalit do’n. But parang I wanted to make light lang of the situation as a joke. Ganu’n naman ‘yung personality ko palagi,” aniya.

Kaya naisip niyang ulitin ang nag-viral na meme niya noong 2021 kung saan ay umiiyak din siyang nagta-type sa laptop, but this time, with the ultra short bangs.

“Naisip ko na i-recreate ko kaya ‘yung meme ko with the micro bangs. So, ayun, ginawa ko lang siya,” natatawang sabi ng aktres.

AUTHOR PROFILE