
Maris gustong ikasal sa San Sebastian Church
SINABI ng aktres at singer na si Maris Racal na hindi pa raw siya handang sumumpa sa harap ng altar kasama ang nobyo nitong classic hit composer at singer na si Rico Blanco.
“Alam naman niya [Rico] na hindi pa ako handa. Mas priority ko yung career ko. Gusto kong magtrabaho pa,” ani Maris sa isang panayam “Hindi ko pa talaga siya iniisip ngayon… baka sa mga susunod na 20 years. Joke!” pabirong sabi ng singer-actress.
Matatandaan na usap-usapan noon ang relasyon ng dalawa dahil sa layo ng agwat ng kanilang edad. 50 years old na si Rico Blanco samantalang si Maris Racal naman ay 25 years old na. Magkasintahan ang dalawa noon pang May 2021.
Pero sa kabila ng hindi pagiging handa nito, meron na itong naipaplano para sa magiging kasal nila sa hinaharap. “Gusto ko sana sa San Agustin Church (Manila). Unang beses na pumunta ako roon ay para sa photoshoot and nagustuhan ko talaga yung place. Hindi pa ako nakakakita ng iba pang magandang simbahan bukod sa San Agustin Church. Though 2015 pa ‘yon, hindi pa final,” saad ni Maris habang tumatawa.
“Maraming nagsasabi na handa na raw si Rico, pero hindi niya ito pinaparamdam sa’kin. Siguro para hindi ko rin maramdaman yung pressure. Hindi rin naming masyadong pinag-uusapan. Sosorpresahin niya tayo siguro,” dagdag pa ni Maris sa iyang panayam. Ni PAUL BACON (OJT)