Binoemariel

Mariel, na-shock sa pa-dinner ni Robin

September 30, 2023 Vinia Vivar 323 views

Na-shock pala si Mariel Rodriguez nang magpatawag ang mister niyang si Robin Padilla ng isang dinner party para sa mga kapwa-artista at politiko kamakailan. Ito ay para pag-usapan at suportahan ang Eddie Garcia Bill kung saan ay isa sa authors si Binoe.

Mapapanood sa latest vlog ni Mariel ang kaganapan sa nasabing party na tinawag na “KOSMOS: Pagtitipon ng Mga Bituin.”

Ayon kay Mariel, hindi nagto-throw ng mga ganitong pagtitipon si Robin kaya nagulat siya nang malaman niya ito.

“Naku, ‘yung asawa ko, hindi naman ‘yan nagto-throw ng mga party, ng mga pa-dinner, so nagulat ako,” sey ni Mariel sa simula ng kanyang vlog.

Sey pa ng TV host at Online Live-Selling Queen, hindi niya talaga alam at first kung para saan ang pagtitipon.

“Sobra akong shocked, hindi ko alam kung ano ‘yung event dahil for the first time, nagpa-dinner si Robin. Eh, hindi ako makapaniwala na nagpa-dinner siya. Na-shock ako, siya ang nagpatawag.

“So, sabi ko, pumunta tayo kahit hindi natin alam kung ano ‘yung ganap dahil first time ever na nagpa-dinner siya, eh, hindi po ito nagpapa-dinner,” tsika ni Mariel.

Mapapanood sa vlog na talagang dinumog ng mga kasamahan sa industriya ang nasabing pa-dinner, gayundin ng iba pang mga politiko.

Dumating ang mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, Tirso Cruz III, Jacklyn Jose, Coco Martin, Rommel Padilla, Tonton Gutierrez, Boots Anson-Rodrigo, Bembol Rocco, Rez Cortez, Leo Martinez, Phillip Salvador, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla, Sen. Mark Villar, Rep. Lani Mercado at napakarami pa na hindi kasya kung babanggitin naming lahat dito.

Nakakatuwa si Mariel dahil bilang misis nga ng organizer ay siya ang punong abala sa pagbati at pag-welcome sa guests. Talagang ipinakilala niya ang sarili sa mga bisita kahit na kilala naman siya ng mga ito.

At the same time ay inaasikaso rin niya ang mister pati na ang pagkain nito.

Sa dulo ng vlog ay ipinaliwanag ni Mariel na ang Eddie Garcia Bill o ang Senate Bill 450 is “an act protecting the welfare of workers or independent contractors in the film, television and radio entertainment industry.”

Natutuwa naman si Mariel na super successful ang event at ipinakita ng mga taga-industriya ang suporta sa nasabing bill.

“I just hope na matuloy at ma-approve ang bill na ‘to at lahat ng makakatulong sa mga iba’t ibang departamento, lahat ng iba’t ibang trabaho, sana marami pa silang maisip na magagawang bill to give protection to workers,” wika ni Mariel.

AUTHOR PROFILE