Marian

Marian, beauty queen ang dating Beatrice, umabot sa Top 5 Steve Harvey, nabingi sa sigawan ng mga Pinoy sa Israel

December 13, 2021 People's Tonight 344 views

BeatriceyanbeaNAWINDANG ang Miss Universe host na si Steve Harvey sa nakabibinging sigawan ng mga tao (na mostly ay Pinoy marahil) nang tawaging isa sa 16 finalists ang representative ng bansa na si Beatrice Luigi Gomez.

Live ang telecast ng Miss Universe kahapon nang umaga na ipinalabas sa A2Z channel.

Dahil sa lakas ng sigawan, dalawang beses inulit ni Harvey ang, “This is Israel! This is Israel!” sabay tawa.

Maging ang babae at lalaking anchor hosts ay bilib na bilib kay Beatrice, huh!

Hanggang Top 5 finalists lang ang inabot ng ating representative.

Tinanghal na 2021 Miss Universe si Miss India, first runner-up si Miss Paraguay habang second runner-up naman si Miss South Africa.

Sa hindi pagpasok sa Top 3 ni Beatrice, nagkagulo na lang ang mga Pinoy sa Israel kay Marian Rivera na hindi rin napiling magtanong, huh!

Pero sa ayos at ganda ni Marian sa buong Miss Universe run — mula sa simpleng activities hanggang sa preliminaries — eh, para na rin siyang isa sa mga kandidata.

Pang-beauty queen din kasi ang datingan ng Kapuso Primetime Queen sa simpleng pusod at off-shoulder beaded gown na gawa ng Pinoy designer na si Francis Libiran.

Bitbit ni Marian sa Israel ang “water boy, photographer at videographer” husband niyang si Dingdong Dantes.

Siyempre, nasa entourage rin niya ang glam team niyang kinabibilangan ng make-up artist niyang si Steven Doloso, hairstylist na si Vien Nueva at stylist na si Melville Sy pati na ang Team Triple A mula sa management team niyang All Access to Artists, Inc.

TILI NI KIM, MARKADO SA 2021 MMFF ENTRY

MARKADO pa rin ang signature na tili at sigaw ni Kim Chiu sa festival entry na Huwag Kang Lalabas ng Cine Obra Productions.

Nice to see Kim acting on the big screen sa episode niyang Hotel sa trilogy na dinirek ni Adolf Alix Jr.

Suspense-horror-thriller ang pelikula na may bagong creature na ipakikita at very timely ang dating dahil kasama sa kuwento ang COVID 19 pero sa ibang atake nga lang.

Si Beauty Gonzales naman ang bida sa Kumbento episode habang sina Aiko Melendez at Joaquin Domagoso ang nasa Bahay episode.

Sa mga manonood na mahlig sa horror, huwag palampasing panoorin ang Huwag Kang Lalabas.

Suportahan ang pelikulang Pinoy, lalo na ang mga kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival sa December 25. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE