Chavit

Manong Chavit pinangunahan E-jeep launch sa Pasig City

December 28, 2024 People's Tonight 261 views

NAGING isang beacon of innovation ang Pasig City nang magsama ang mga Pinoy at South Korean leaders sa pagpapasinaya ng e-Mobility Proof of Concepts kung saan ibinida rito ang mga e-jeepneys na siyang magiging daan para magkaroon ng modernong public transportation.

Ito ay inorganisa ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson na siya ring LCSC Group chairperson at Representative Richelle Singson.

Kasama sa pagpapasinaya ang e-mobility trailblazers na sina Young-Jin Joo, CEO ng E-Mon Co. Korea; Jong Gwan Rah, Director ng Korea Automotive Technology Institute (KATECH); Ahn Jae-Bum, Director ng E-Mon Korea; at LCSC E-Mon Operations Manager Jinhee Kim.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Manong Chavit ang kanyang adhikain na gawing moderno ang public transportation system sa bansa sa pamamagitan ng mga electric vehicles.

“Ito na ang magiging simula ng sustainable at innovative future ng bansa,” sabi ni Manong Chavit, na Number 58 sa Senate ballot.

“Sa pamamagitan ng mga electric jeepneys, makakatulong tayo hindi lamang sa ating mga kababayan kundi maging sa ating kalikasan,” dagdag niya.

Inihayag naman ni Representative Singson ang kanyang pagsang-ayon sa inisyatibo ni Manong Chavit.

“This initiative is a testament to how cooperation can address urban mobility challenges. Your work sets a benchmark for innovation and sustainability,” sabi ng mambabatas.

AUTHOR PROFILE