Manny Lopez, sa Manilenyo ‘Da Best!
Duterte, bubuhos ng tulong sa Maynila
LALONG napapamahal sa mga Manilenyo si Manila Rep. Manny Lopez (1st Distirict) dahil sa mga ipinangakong tulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipamamahagi nito sa buong lungsod.
Isinusulat ito’y kasado na ang iba’t ibang suporta na ibibigay ng executive department mula sa dagdag ayuda ng DSWD, ang TUPAD project ng DOLE, karagdagang tulong para sa medical bills at gamot; gayundin ang tuluy-tuloy na livelihood program.
Kasado rin ang iba’t ibang tulong nito sa mga barangay, kabataan, senior citizens, PWDs, single parents, mga miyembro ng transport sectors mula sa padyak, jeep at bus, at lahat ng essential workers.
Tinitiyak ni Lopez na sa gitna ng pandemya, mararamdaman ng bawat Manilenyo ang tulong na ibinibigay ng pamahalaan – maliit o malaking bagay man ito.
Dahil dito, patuloy na napapalapit ang puso ng Manilenyo kay Lopez na nagpapataas lalo sa dami ng bilang ng mga organisasyon at indibiduwal na nanawagang ituloy ang pagseserbisyo mula sa Kongreso hanggang sa City Hall ng lungsod.
Sa survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundations Inc. nitong nagdaang August 1-10, si Lopez ay nakakuha ng 38 percent approval ratings na dikit na dikit sa 40 percent ratings na nakuha ni Manila Vice-Mayor Honey Lacuna.
Patunay na si Lopez na taga-Tondo ay nararamdaman ang serbisyo sa iba’t iba pang distrito ng lungsod.
Sinabi ng ilang political observers na abangan ang pagsirit pang lalo ng popularidad ni Lopez dahil malaking tulong din para sa lungsod na maging tulay kay Pangulong Duterte ang mambatas upang ibuhos ang tulong ng Malakanyang sa lungsod.
Dati nang mahal ng Pangulong Duterte ang buong Maynila, ngunit todo-suporta pa ang ipinangako nito kay Lopez ngayon na miyembro ng PDP Laban Party, kasama ang kapatid at chief of staff na si Mike Lopez.
Sinabi ng Pangulo na noon pa’y alam niyang ‘Da Best ang Lopez sa Maynila dahil tulad niya na dating alkalde ng Davao City, kilala nito ang ama nina Manny at Mike na si dating Manila Mayor Mel Lopez.