Malu1

Malu nangangailangan ng pera, may pinagsisisihan

November 30, 2023 Aster Amoyo 476 views

Malu2Malu3NAPAKAGALING magdala ng sarili ang mahusay na veteran singer at actress na si Malu Barry dahil kahit may matinding pinagdadaanan ngayon ay napaka-positibo pa rin ng pananaw sa buhay.

Malu was diagnosed of cervical cancer stage 3 last March. Bukod sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ay nanatili itong lihim sa marami pero sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi niya ito sa pamamagitan ng aming exclusive na panayam sa kanya for “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Starting last October ay nagsimula na siya sa kanyang oral chemotherapy at kasunod na rito ang kanyang araw-araw na radiation procedure. Dahil sa non-stop na gamutan, nai-share nito sa amin na kailangan na rin niyang humingi ng financial assistance laluna na sa brackytherapy na gagawin sa kanya ngayong buwan ng December.

Thirteen years ago ay nasawi ang kanyang panganay na anak (boy) nang ito’y mabundol ng isang sasakyan habang nagbabakasyon in Cebu City. Bago ito sumakabilang-buhay ay walong buwan itong comatose sa pagamutan in Cebu kaya nahirapan din noon si Malu na nasa Maynila ang trabaho. She also lost her 6th child (another boy) nang magka-miscarriage siya when she was six months pregnant at meron siyang lima pang anak, apat na babae and her youngest (boy) ay nasa Grade -11 na. Dalawa sa kanyang mga anak na babae ay meron na ring sariling pamilya at may mga apo na rin siya sa mga ito.

Malu was only three years old nang magkahiwalay ang kanyang parents at silang apat na magkakapatid (with her as the youngest) ay naiwan sa kalinga ng kanilang ama.

“I was my father’s favorite child,” pagmamalaki pa niya. “Siya ang kasa-kasama ko parati kapag meron akong mga singing engagements noon in Davao.”

“I was only 14 or 15 years old nang magsimula akong kumanta professionally sa music lounge in Davao,” kuwento niya.

Taong 1980 naman nang siya’y lumuwas ng Maynila and stayed in her friend’s house. At that time, she was already pregnant with her eldest son na naitago niya sa kanyang pamilya until the baby was born. Nang makapagsilang siya ay nagsimula naman siyang kumanta sa Calesa Bar ng old Hyatt Hotel na pinagmulan ng mga kilalang singers tulad nina Vernie Varga, Zsa Zsa Padilla, Joey Albert at marami pang iba.

When she was already earning well ay bumukod na siya ng tirahan kasama ang kanyang baby and a nanny.

Malu admits that she has had a string of relationships at iba-iba ang ama ng kanyang mga anak. She also got married to a lawyer in 2009 only to find out na very much married pa pala ito. Their relationship lasted for five years pero hindi sila nagkaroon ng anak.

Naranasang tumira sa isang mansion in Antipolo si Malu at nagpalipat-lipat din siya ng magagarang bahay during the peak of her career pero ang lahat ng ito’y isa-isang nawala.

“Kung meron man akong pinagsisisihan ngayon ay hindi ako nag-ipon at nakapag-invest sa business,” pag-amin pa niya.

“Madali kasi ang pera noon kaya wala rin akong pakialam sa gastos,” aniya.

Umaasa si Malu na siya’y tuluyang gagaling sa kanyang sakit na cancer.

Nakikiusap siya sa Diyos na huwag muna siyang kunin dahil nag-aaral pa ang kanyang bunsong anak. “Gusto kong abutan ang pagtatapos ang anak ko,” diin niya.

Pero sa kabila ng kanyang sakit, patuloy pa rin si Malu sa pagtanggap ng iba’t ibang singing engagements laluna ngayong December.

“I need to earn money for my family and my treatments,” patuloy pa niya.

Premiere night ng pelikula ni Imelda tagumpay

MaluImeldaNAGING malaking tagumpay ang red carpet premiere night ng pelikulang “Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin” na ginanap sa Cinemas 1, 2 & 3 ng SM Megamall last Wednesday, November 29 na dinaluhan ng mga pangunahing bituin ng pelikula tulad nina Claudine Barretto who played the role of Asia’s Sentimental Songstress and Jukebox Queen Imelda Papin, Alice Dixson (Madame Imelda Marcos), Jeorge Estregan (Pres. Ferdinand Marcos), Maffi Papin (as herself), Gary Estrada (as Bong Carrion), Aileen Papin (as Gloria Papin) at marami pang iba. Ito’y mula sa panulat at direksyon ni Gabby Ramos and produced ng mag-inang Imelda Papin at Maffi Papin under Queen Star Film Production.

Masayang-masaya ang bagong movie producers, ang mag-inang Imelda at Maffi Papin sa turn out ng mga tao sa kanilang debut produced film na magsisimula nang magkaroon ng block screenings sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas at maging sa iba’t ibang bansa.

Hindi man pinalad na makapasok sa sampung official entries ng 2023 Metro Manila Film Festival ang pelikulang “Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin,” nakatakda naman itong ipalabas sa mga sinehan sometime in late January or early February next year.

Natutuwa rin ang bagong film producer na marami ang interesadong maipalabas ang pelikula sa iba’t bansa bukod pa ito sa mga block screenings sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Samantala, bagay na bagay kina Jorge Estregan at Alice Dixson ang role na kanilang ginampanan as former President Ferdinand Marcos, Sr. and former First Lady Imelda Romualdez-Marcos maging si Gary Estrada as Bong Carrion.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X (Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE