Guess

Male singer na accla patago maki-chummy sa teenage boylets

March 8, 2024 Jun Nardo 219 views

MAHILIG pa rin pala sa mga teenager ang isang male singer na accla na sa sikretong lugar nakikipag-chummy-chummy sa mga bagets na para na niyang pamangkin.

Kilala ang singer na ito dahil may hits na rin siyang klik sa tao.

‘Yun nga, very discreet siya lalo na’t may name rin siyang iniingatan.

Minsan kasi sa isang bar, may mga kasama siyang boys na halatang teenager pero above legal age na.

Nang mapansin ng singer na sa same bar, may mga accla ring nakatingin sa kanila ng boys na dala, eh, hindi naman bulgar ang pagiging accla ni singer kaya quiet na lang siya.

Para tumahimik ang mga accla sa kabilang table, tumayo si singer at siya na ang nagsabing kamag-anak niya ag mga boylet kahit hindi naman siya tinatanong, huh!

Medyo lie low na ngayon si male singer na may edad na rin.

AUTHOR PROFILE