
Malasakit Centers: Kanlungan ng mga hirap sa tulong-medikal
SA gitna ng umiiral na kahirapan sa pananalapi, naging napakahalaga ng papel ng Malasakit Centers ni Senador Christopher “Bong” Go, partikular sa mahihirap na Pilipino, ayon sa salaysay ng 23-anyos na si Wally Bernardo ng Cavite.
Isang maliit na baking business, kasama ang kanyang partner, ang tumutulong kay Wally sa kanyang mga gastusin sa dialysis.
Nagsimula ang kanyang pagsubok noong 2017 nang makaramdam ng pananakit ng likod na naging nakaliigalig na katotohanan – nadiskubre na mayroon siyang chronic kidney disease secondary to arthritis.
Nu’ng una ay na-misdiagnose siya na may mataas na presyon ng dugo na hindi nagtagal ay natagpuan ang kanyang sarili na limitado sa regular na ugong ng dialysis machine. Isa itong routine na mula tatlong beses ay naging masaklap na 12 beses sa isang linggo, habang lumalala ang kanyang kondisyon.
Dahil lumalaki ang mga singil sa medikal ni Wally, humingi siya ng tulong mula sa isang Malasakit Center, na humantong sa isang kaluwagan para sa kanyang sitwasyon na hirap sa pananalapi.
“Lumapit ‘yung relatives ko hanggang ngayong umaga, ibinigay sa amin ‘yung bill, ngayong tanghali pinrocess, ngayong hapon discharge na kami,” ang kuwento ni Wally.
Kaya naman lubos ang pasasalamat ni Wally sa Malasakit Center.
“Maraming, maraming salamat kay Senator Bong Go, sa staff na kanyang… nagpapasalamat ako sa tulong niya sa amin, sa mga guarantee letter, sa services niya for those people na… wala naman financially na pwedeng mahingan ng tulong.”
“Maraming, maraming salamat kasi mayroong Senator Bong Go na tumutulong sa amin,” ani Wally.
Bilang chairperson ng Senate committee on health and demography, patuloy na hinihikayat ni Go ang publiko na gamitin ang tulong medikal at pinansyal na iniaalok ng Malasakit Centers.
Pinagsasama-sama sa Malasakit Centers ang mga opisina ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang mga one-stop shop na ito ay tumutulong sa mahihirap na pasyente sa pagbabawas ng kanilang gastos sa ospital sa pinakamababang posibleng halaga.
Ang Malasakit Centers Act of 2019, o Republic Act No. 11463, na pangunahing inakda at itinataguyod ni Go, ay nagpadali sa pagtatatag ng 159 operational Malasakit Centers sa buong bansa.
“Sa mga pasyente, lapitan niyo lang ang Malasakit Center dahil para ‘to sa inyo. Kung may hospital bill kayo, nandiyan ang mga ahensya ng gobyerno na tutulong para mabayaran ito,” panghihikayat ng senador.
Sinabi ni Go na ang mga sentrong ito ay nagsisilbing testamento sa pangako ng gobyerno na accessibility sa pangangalagang pangkalusugan.
“Hindi po ako titigil sa mga programang makakabuti po sa ating mga kababayan, lalo na sa mga kapos sa buhay. Sa totoo lang, pera naman ng taumbayan yan, ibinabalik lang sa kanila sa pamamagitan ng mabilis at maayos na serbisyo mula sa Malasakit Centers na handang tumulong sa kanilang pagpapagamot,” sabi ni Go.