
Malacañang hinimok gov’t agencies na suportahan senior citizens activities
INILABAS ng Malacañang ang Memorandum Circular No. 34 upang hikayatin ang mga ahensya ng gobyerno at ang mga lokal na pamahalaan na suportahan ang mga aktibidad ng mga senior citizen kaugnay ng pagdiriwang ng Linggo ng Katandaang Filipino (Elderly Filipino Week).
Sa MC na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inatasan ng Malacañang ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) na pangunahan ang mga aktibidad at programa para sa selebrasyon ng Elderly Filipino Week, alinsunod sa Republic Act (RA) 11350, o ang “National Commission of Senior Citizen Act.”
“All NGAs and instrumentalities, including GOCCs (government-owned or -controlled corporations), GFIs (government financial institutions) and SUCs (state universities and colleges) are hereby directed, and all LGUs are hereby encouraged, to extend full support for and cooperation with the NCSC in the conduct of relevant activities and programs for senior citizens during the annual celebration of the Elderly Filipino Week,” sabi sa MC.
Ang mga kakailanganing pondo ay kukunin umano sa kasalukuyang budget ng ahensya.
Ayon sa RA 11350 polisiya ng gobyerno na suportahan ang mga senior citizen kasama ang mga programa at serbisyo para sa kanila.
Sa ilalim ng Proclamation No. 470 (s. 1994) itinakda ang unang linggo ng Oktobre ng bawat taon bilang Linggo ng Katandaang Filipino upang kilalanin ang kahalagahan ng naturang sektor sa pag-unlad ng bansa.