Poe

Makabagong solusyon upang labanan ang text scams ipinanawagan ni Poe

April 7, 2025 People's Tonight 88 views

HINIMOK ni Senadora Grace Poe ang mga kinauukulang ahensiya at mga stakeholder na bumuo ng mga makabagong solusyon upang tugunan ang call at text scams.

Ipinahayag ni Poe ang kanyang pagkabahala sa dramatikong pagtaas sa call scams sa first quarter ng 2025 sa kabila ng pagkakaroon ng SIM Card Registration Act.

“Executed at a massive scale and with high precision, voice phishing or vishing attacks prey on our unsuspecting kababayans that result in identity theft and financial losses,” wika ng senadora.

“While not a silver bullet to the scamming menace, the law that we passed can go a long way in fighting cybercrimes.”

Idinagdag ni Poe na dapat litisin sa korte ang mga scammer at parusahan, binibigyang-diin na kung walang mananagot, ang mga salarin ay magiging mas matatag sa pagpapatuloy ng kanilang mga ilegal na gawain.

Naunang naghain si Sen. Win Gatchalian ng isang resolusyon na humihiling na magsagawa ng isang imbestigasyon sa patuloy na paglaganap ng mga text scam.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan na palakasin ang cybersecurity upang labanan ang mga scammer.

“Given the crucial role of technology in nation-building, it is essential to strengthen cybersecurity and verification measures and implement additional safeguards to combat the continuous proliferation of text scams in the country,” giit ni Gatchalian sa paghahain ng Resolution No. 1324 na humihiling na magsagawa ng imbestigasyon sa isyu.

Samantala, hinimok ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na suriin ang nasabing batas dahil sa patuloy na paglaganap ng mga text scam.

Ang Globe Telecommunications, Inc. ay nananatiling nakatuon sa pagpapatupad ng batas ngunit binigyang-diin ang pangangailangan para sa isang opisyal na sistema ng pagkakakilanlan.

Tinutulan ni Froilan Castelo, General Counsel ng Globe Telecom, ang panukala ng National Telecommunications Commission (NTC) na kailangan ng in-person registration para sa SIM card.

Iginiit niya na ang rekisitong ito ay labag sa layunin na gawing mas kumbinyente ang connectivity para sa mga Pilipino.

AUTHOR PROFILE