Maja Salvador

Maja tinanggihan ang project dahil sa steamy scenes with Gerald

May 4, 2021 Aster Amoyo 726 views

MAJA Salvador’s loss is Yam Conception’s gain. Si Maja ang original choice ng ABS-CBN’s Star Creatives group na gumanap sa papel bilang si Cong. Rita Macatangay-Alvarez kung saan niya mga kabituin sina Gerald Anderson as Dr. Christopher `Tupe’ Salcado at si JM de Guzman bilang si Peterson Alvarez.

It is a public knowledge na si Gerald ang huling nobyo ni Maja bago sila muling nagkabalikan ng kanyang businessman boyfriend na si Rambo Nunez in 2018. Although isang mahusay na actress si Maja at kaya nitong gampanan ang mga role na ipinagkakatiwala sa kanya, she personally declined the project bilang respeto sa kanyang nobyo ngayon na si Rambo kahit hindi siya pinagbabawalan nito.

Gusto ni Maja na mag-work ang kanilang relasyon ni Rambo at ayaw umano niya ito bigyan ng rason na makakasira sa kanilang relasyon. Kung noon ay puro trabaho at career ang priority ni Maja, ngayon ay kinu-consider na rin niya ang magiging reaction ng kanyang boyfriend.

May mga steamy scenes ang “Init sa Magdamag” TV series na siyang nagpabago sa desisyon ni Maja lalupa’t gagawin niya ito sa kanyang ex-boyfriend na si Gerald.

Bago itinayo ni Maja ang kanyang sariling talent management company, ang Crown Artist Management, Inc. last March, “Init Sa Magdamag” TV series was first offered to her. She was with ABS-CBN since 2003 until she decided to leave her home studio and “ASAP Natin `To” for Brightlight Productions’ Sunday musical variety show “Sunday Noontime Live” on TV5 na tumagal lamang sa ere ng tatlong buwan. Nakasama niya sa nasabing programa sina Piolo Pascual, 2018 Miss Universe Catriona Gray at Jake Ejercito na may TV series na gagawin ngayon sa Kapamilya Network, ang “Marry Me, Marry You” with former GMA talents na sina Janine Gutierrez, Paulo Avelino at Sunshine Dizon.

Marami naman ang nanghinayang na nawala si Maja sa bakuran ng ABS-CBN which molded her to become one of the finest actresses in her generation bukod pa sa kanyang pagiging isang mahusay na dancer and a well-rounded artist.

The Clash 4 open na ang auditions

MATAPOS maging grand champion sa ikatlong season ng singing reality competition na “The Clash” ng GMA si Jessica Villarubin from Cebu nung nakaraang December 2020, bukas na naman ang online audition ng nasabing singing competition sa mga 21 taong gulang pataas. Mangyari lamang na bisitahan ang Facebook Page ng “The Clash” para sa karagdagang impormasyon kung paano mag-audition online.

Ang first two grand champions ng “The Clash” ay sina Golden Canedo (1st season) at Jeremiah Tiangco (2nd Season).

Ang “The Clash” Season 4 audition ng GMA ay nagsimula last Monday, May 3, 2021.

Le Chazz na-cremate na

MYOCARDIAL infraction o atake sa puso ang ikinamatay ng 43-year-old stand-up comedian at isa sa mga dating co-host ni Willie Revillame sa kanyang game show na “Wowowin” on GMA na si Le Chazz Nightingale (Richard Vargas Yuzon) na natagpuang wala nang buhay sa kanyang bahay in Kamuning, Quezon City nung nakaraang Sabado ng hapon, May 1.

Last Monday, May 3 ng hapon ay na-cremate na ang katawan ni Le Chazz sa Loyola Chapels and Crematorium in Commonwealth, Quezon City at may two-day public viewing na nagsimula kahapon, May 4 hanggang bukas, May 6 sa Immaculate Concepcion Cathedral in Quezon City.

Ang isa sa closest friends ni Le Chazz na si AJ Tamiza ang siyang nag-asikaso ng lahat.

Samantala, dumating kaya ang estranged parents ni Le Chazz bago siya maihatid sa kanyang huling hantungan?

Si Le Chazz ay mag-isang anak ng kanyang hiwalay na parents.

Direk Frasco bagong humahawak sa ‘Bubble Gang’

SIMULA last April 30, 2021 ay si Frasco Mortiz na ang bagong director ng longest-running gag show sa telebisyon, ang “Bubble Gang” on GMA na pinangungunahan ni Michael V.

Of course, kilala si Frasco na sumunod sa yapak ng kanyang ama bilang director, ang dating matinee idol nung `70s, ang singer-actor-comedian-turned director na si Edgar `Bobot’ Mortiz.

Ang mag-amang Bobot at Frasco ay dalawa lamang sa libu-libong nawalan ng trabaho sa bakuran ng ABS-CBN nang mawalan ito ng bagong prangkisa nung May 5, 2020 at ibasura ng Kongreso ang franchise renewal ng TV network nung July 10, 2020.

Ang TV-movie director na si Frasco ay dalawang linggong nag-pinch hit sa amang si Bobot bilang director ng “Wowowin” ni Willie Revillame also on GMA bago ito kinuhang bagong director ng “Bubble Gang”.

Although marami nang programa sa telebisyon sa Kapamilya network ang dinirek ni Frasco, tumatak sa kanya ang pagiging director ng longest-running kiddie show na “Goin’ Bulilit” na tumagal sa ere ng sampung taon. He also directed several movies at kasama na rito ang hit movie na “Pagpag: Nine Lives” in 2013 na pinagbidahan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla under Regal Entertainment.

Hindi ikinakaila ni Frasco na ang interest ng pagdidirek ay minana niya sa kanyang amang si Bobot Mortiz.

He also directed the youth-oriented TV series na “Luv U” na tumagal sa ere ng apat na taon, 15 episodes ng “Maalala Mo Kaya” o MMK, dalawang episode ng crime series na “Ipaglaban Mo,” “La Luna Sangre,” “A Love To Last,” at iba pa.

Si Frasco ay panganay na anak ng mag-asawang Bobot at Millet Santos-Mortiz and married to Ellen Mortiz since 2007.

Subscribe, like and share “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE