Maja

Maja nagka-emergency sa panganganak

June 9, 2024 Vinia Vivar 394 views

Isang linggo matapos isilang ang first baby nila ni Rambo Nunez, ikinuwento ni Maja Salvador ang kanyang naging journey sa panganganak sa Canada.

Sa isang mahabang Instagram post, she revealed na 30 hours siyang nag-labor bago tuluyang nailabas sa mundo si Baby Maria.

“Exactly a week ago…

“I experienced an intense 30-hour labor, 12 hours without epidural, 3 hours of pushing. Then ended up having episiotomy and forceps. 2 contractions and 7 pushes later, we finally welcomed our baby Maria,” simula ng aktres.

Pero pagkatapos na pagkatapos niyang magsilang ay biglang nagkaroon ng problema.

“Immediately had 10 minutes of skin-to-skin contact with her, but biglang nagka emergency… I had uterine inversion. Kaya kinailangan nilang kunin sakin si Maria at binigay nila kay Rambo who was seated helplessly next to my bed,” kwento ni Maja.

Nahirapan ang mga doktor na maibalik sa normal ang kanyang uterus at nauubos na rin ang lakas niya kaya nagdasal na lang siya nang paulit-ulit.

“3 OB GYN were there trying to put back my uterus manually which led to blood loss of 3 to 4 liters, then my blood pressure went down to 60/40, sinabihan na lang ako ng Doula ko na anytime I would have to go to the operating room for surgery.

“That time sabi ko nalang sa sarili ko na I can’t do anything anymore… ubos na ubos na lakas ko… I started praying Hail Mary… paulit ulit kahit wala na akong lakas,” aniya.

Hanggang sa milagro nga na sa huling attempt ay nagtagumpay na ang kanyang OB-Gynecologist na maibalik sa pwesto ang kanyang uterus.

Kaya labis-labis ang pasasalamat ng bagong mom sa mga doktor at nurse na tumulong at nag-alaga sa kanya.

“Despite the challenging journey, gusto kong i-express ang gratitude ko to all the medical personnel na nandun nun, especially to the filipino nurses who provided unwavering care and support.

“Ate Vanessa, Angela, Ate Gloria, Ate Christina and Ate Beverly, Thank you.To My Doula Grace, thank you for everything. You did your part beyond your job. You’re amazing!” ang mensahe ng pasasalamat ni Maja.

Ngayon ay recovering na raw siya. At malaki rin ang pasasalamat niya na kasama niya ang kanyang pamilya sa Canada.

“Recovering now… Ang swerte kong kasama ko ang pamilya ko dito sa Canada. Love you Mama, Kirby, Martin and Mom! See you soon Ate Yans, Kuya and Big Babies. Thank you also Dinahbabes and Yaya Lyn,” ani Maja.

Mensahe naman niya sa kanyang hubby, “To My Husband, I LOVE YOU.”

Sa pinakahuli ay sinabi ni Maja na lahat ng hirap niya ay sulit na sulit.

“To My Maria, EVERYTHING IS WORTH IT! I LOVE YOU ANAK,” mensahe ni Maja sa new-born daughter.

AUTHOR PROFILE