Maja

Maja at Rambo, inulan ng pagbati para sa baby girl

February 1, 2024 Vinia Vivar 343 views

Baby girl ang ipinagbubuntis ni Maja Salvador na first child nila ng asawang si Rambo Nuñez.

Nagkaroon ng gender reveal party ang mag-asawa at ibinahagi nila ang ilang kaganapan sa kanilang Instagram account.

Mapapanood sa video na pinabuksan kina Maja at Rambo ng host ng party ang isang box na may lamang watch.

Kapag pink ang relo, ibig sabihin ay girl at kapag blue naman ay boy.

Tila noon lang din nalaman nina Maja at Rambo ang gender ng baby base sa kanilang reaksyon.

Nagtatalon pa si Maja at masayang-masaya silang nagyakap na mag-asawa after the revelation.

Sa isang bahagi ng video ay makikita pang napaiyak si Maja sa sobrang saya (tears of joy).

Bumuhos naman ang pag-congratulate sa mag-asawa sa comment section at sey nila, for sure ay mini-Maja ang baby.

AUTHOR PROFILE