
Maine Mendoza and Arjo Atayde engaged na
VERY memorable sa newly-engaged couple na sina Maine Mendoza at actor-turned politician na si Arjo Atayde ng petsang July 28 kaya ito ang piniling araw ng award-winning actor at bagong halal na kinatawan ng unang distrito ng Quezon City sa kanyang pagpu-propose sa kanyang kasintahan of almost four years na si Maine.
It was on July 28, 2013 nang mag-tweet si Maine sa kanyang Twitter account ng “Arjo Cutie” na hindi pala kinalimutan ng panganay ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde. At sa petsang July 28, 2018 unang nagkita at nagkakilala ang dalawa sa story conference ng 2018 Metro Manila Film Festival movie na “Jack Em Popoy” na pinagbidahan nina Coco Martin, Vic Sotto at Maine.
Habang sina Vic, Coco at Maine ang lead characters ng pelikula, si Arjo naman ang gumanap na main villain in the movie.
In September 2018 ay nagsimula nang makitang magkasama ang dalawa sa iba’t iba’t okasyon at una na rito ang sighting sa dalawa sa isang restaurant in Makati na naging simula ng series of occasions na nakitang magkasama ang dalawa.
When Maine was launched as the local ambassador ng international lipstick brand na Mac, Arjo accompanied her. And their were other sighting of the couple at kasama na rito ang kanilang biyahe sa Bali, Indonesia kasama ang ilang kaibigan.
Naging official ang kanilang relasyon bilang magkasintahan on December 21, 2018 dahil ito ang kanilang sini-celebrate na petsa.
It was last Thursday, July 28, 2022 when the new Quezon City 1st district representative proposed to Maine in the presence of their respective families and close friends.
Ang ina ni Arjo, ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez ay agad nag-post sa kanyang Instagram account ng pasasalamat sa magiging bagong karagdagan sa kanilang pamilya.
“He asked Her and She said, YES!!!
Finally!! Welcome to the family, Maine.
Thank you for loving my son.
Love you Nak
I promise that I will take care and love you as my own Daughter (heart emoji).”
Si Maine naman ay nag-post din sa kanyang IG.
“Wait, whaaaat??? We’re engaged?!” na agad humamig ng maraming comments mula sa kanilang mga kaibigan at mga fans.
Si Arjo naman ay nag-share din sa kanyang Instagram account.
“My turn, I will marry you cutie. (heart emoji)07.28.22”
Hindi rin nagpaiwan ang nakababatang kapatid ni Arjo, ang Kapamilya actress na si Ria Atayde ng kanyang sariling mensahe.
“You’ve always been Mister Grand Gestures @arjoatayde. But I think among all you’ve done, this has got to be my favorite. Ang I think among all the many changes we welcomed in our lives this year, this has got to be the best.
So excited to officially welcome you into the family @mainedcm. (heart emoji) stay happy and in love! Congratulations to the two of you (ring emoji)”
Hindi rin naging madali ang pagsisimula ng relasyon nina Maine at Arjo na hindi aprubado noon ng mga fans ni Maine laluna ang AlDub fans nila ng dati niyang ka-loveteam (sa “Eat Bulaga”) na si Alden Richards.
Nakatanggap ng bashing noon hindi lamang si Arjo kundi ang kanyang pamilya bagay na pinalagan ng kanyang inang si Sylvia. But love conquers all. Ipinaglaban ni Arjo ang kanyang tunay na pagmamahal kay Maine and the latter stood by him sa lahat ng pagkakataon.
Nine years after that first tweet ni Maine ng “Arjo cutie” nung July 28, 2022 ay siya ring petsa ng kanilang engagement ni Arjo.
Ngayong officially engaged na sina Maine at Arjo, piliin kaya ng couple ang petsang December 21 for their wedding?
Samantala, dinagsa ng mga pagbati ang newly-engaged couple ng kanilang mga kaibigan in and out of showbiz ganoon din ang kanilang supporters.
Red carpet premiere night ng ‘Maid in Malacanang’ grandioso
NAPAKABONGGA ng ginanap na red carpet premiere night para sa pelikulang “Maid In Malacanang” ng Viva Films mula sa panulat at direksiyon ng controversial writer-director na si Darryl Yap. Ito’y ginanap sa Cinemas 1, 2 & 3 ng The Block sa SM North EDSA nung nakaraang Biyernes, July 29 sa ika-7 ng gabi at dinaluhan ng stars ng pelikula na sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga (with his mom Teresa Loyzaga), Cristine Reyes, Ella Cruz, Kyle Velino, Viva big bosses na sina Boss Vic del Rosario at mga anak na sina Vincent del Rosario, Veronique del Rosario-Corpus at Valerie del Rosario, Annabelle Rama at iba pang mga luminaries na pinangunahan ni Sen. Imee Marcos.
Bago ang screening ng pelikula ay nagkaroon ng programa hosted by Paolo Bediones at Giselle Sanchez kung saan isa-isang ipinakilala ang bumubuo ng cast, ang director maging si Sen. Imee.
Lahat ng dumalo sa premiere night ng “Maid in Malacanang” ay dumaan sa antigen test na nag-cause ng napakahabang pila.
Samantala, ang “Maid in Malacanang” na maituturing na isang ambitious project ay mula sa salaysay ng panganay na anak ng yumaong dating Pangulong Ferdinand E. Marcos at dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos na si Sen. Imee base sa last 72 hours ng mga Marcoses sa loob ng Malacanang.
SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside Showbiz with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.