
Maine kay Sylvia: Come hell or high water, nandiyan kayo for me and Arjo
Opisyal nang pinakawalan ni Sylvia Sanchez ang anak na si Arjo Atayde na humaharap na sa panibagong buhay bilang married man.
Ayon kay Ibyang sa Instagram, kailangan na niyang i-let go ang panganay na anak at kasabay nito ay opisyal din niyang tinanggap ang misis ni Arjo na si Maine Mendoza sa Atayde family.
“Kailangan kong i let go ang anak kong si Arjo dahil bubuo na siya ng sariling pamilya. But im happy because i gained a daughter and that’s you, Maine.
“Maine, officially i can now call u my daughter. Yeyyyy!!! You will surely enjoy the ride because now you’re one of us na.
“Enjoy your life together @mainedcm @arjoatayde
Love you both mga anak.
“Finally and officially!!
“Welcome to the family Mrs. Nicomaine Dei Mendoza Atayde!!!
“Nakakahappyyyyyy,” ang pahayag ni Ibyang.
Sumagot naman si Maine sa comment section. Aniya, “So happy and grateful to have you as my mom!!! Alam kong come hell or high water, nandyan kayo for me and Arjo. i love you OG, Mrs. Atayde!”