Maine

Maine at iba pang celebrities, nagluksa sa pagpanaw ni Matthew Perry

October 29, 2023 Vinia Vivar 424 views

Nagluluksa si Maine Mendoza at ang iba pang celebrities sa pagpanaw ng Hollywood actor na si Matthew Perry.

Ayon sa ulat ng US media, natagpuang wala nang buhay sa bath tub ng kanyang bahay sa Los Angeles ang aktor.

He was 54.

Si Matthew ay naging popular sa top-rating TV comedy series na Friends na umere mula 1994 to 2004.

Matagal umano ang pakikibaka ni Perry sa kanyang addiction to painkillers and alcohol.

Ilang beses din daw itong sumailalim sa rehabilitation clinics.

Nagsimulang magkaroon ng health problems ang aktor noong 2018 nang pumutok ang colon at sumailalim sa operasyon for seven hours.

Dahil dito ay kinailangan niyang gumamit ng colostomy bag ng ilang buwan.

Dahil well-loved din naman si Matthew sa ating bansa, marami ang nalungkot sa pagpanaw nito kabilang na ang ating mga celebrity.

Isa si Maine sa mga unang nag-post ng kanyang pagdadalamhati.

“What a sad news to wake up to…. Rest easy, Matthew. Watching Friends will never be the same,” tweet ni Maine.

“Noooooooo. bye chandler bing,” sabi ni Barbie Forteza, na ang tinutukoy na Chandler Bing ay ang karakter ni Matthew sa Friends.

Tweet naman ni Jake Ejercito, “rest easy (broken heart emoji).”

Kabilang din sa mga nagpahayag ng kanilang pagdadalamhati ay sina Pops Fernandez at Lovi Poe.

AUTHOR PROFILE