
Mahirap kumonti—SWS
KUMONTI ang mga pamilyang Pilipino na nagsabi na sila ay mahirap, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).
Sa survey na isinagawa mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 1, nagsabi ang 45 porsyento na sila ay mahirap o tinatayang 12.5 milyong pamilya mas mababa kumpara sa 51 porsyento o 14 milyong pamilya na naitala sa survey noong Marso.
Nagsabi naman ang 33 porsyento na sila ay nasa borderline at 22 porsyento ang nagsabi na sila ay hindi mahirap.
Sa survey noong Marso, 30 porsyento ang borderline at 19 porsyento naman ang hindi umano mahirap.
Ang second quarter survey ng SWS ay ginamitan ng face-to-face interview sa 1,500 respondents. Mayroon itong sampling error margins na ±2.5 porsyento.