
Mahigit P10M MJ sinunog ng PDEA, PNP sa Sulu
MAHIGIT P10 milyong halaga ng fully-grown marijuana plants at seedlings and binunot at sinunog ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at Philippine Army sa lalawigan ng Sulu noong nakaraang Biyernes.
Ayon sa PDEA na pinamumunuan ni Director General Isagani R. Nerez, pinangunahan ng mga tauhan ng PDEA Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang marijuana eradication drive sa Barangay Pitogo sa munisipalidad ng Kalilangan Caluang.
Ayon kay PDEA-BARMM director Gil Cesario P. Castro, halos 12 libong piraso ng marijuana plants na nagkahahalaga ng humigit-kumulang sa P10.3 milyon ang binunot mula sa lupa at kalauna’y sinunog upang hindi na mapakinabangan pang muli.
Sinabi ng opisyal na isang alias ‘Mahdi’ ang kanilang pinaghahanap sa kabila ng ulat na siya ang nag-aalaga sa marijuana plantation site. Ang naturang akusado ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 na mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.