Default Thumbnail

Magsasakang ‘rebelde’ sumuko sa Ecija

July 19, 2023 Steve A. Gosuico 206 views

LICAB, Nueva Ecija — Isang 46-anyos na magsasaka na dating miyembro umano ng isang grupong magsasaka na nauugnay sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People’s Army (NDF-NPA) ang sumuko sa pulisya dito noong Martes.

Kinilala ni Police chief Captain Randy R. Panaga ang sumuko na si Ka Cris, 28, ng Bgy. Manggang Marikit, ng Guimba, Nueva Ecija, na nagtungo sa kanyang opisina dala ang kanyang baril at pampasabog dakong alas-4:30 ng hapon.

Sinabi ni Panaga na si Ka Cris ay umao’y messenger/liaison officer sa Mambayu (Malayang Aniban ng mga Magsasaka sa Manggang Marikit, Bagong Barrio at Yuson), isang CPP-NDF-NPA-affiliated organization na nag-operate sa Guimba, Nueva Ecija mula 1992-2018.

Ang pagbaklas ng suporta sa rebeldeng grupo ay naisagawa sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang special intelligence operation alinsunod sa programang Oplan Balik-Loob ng gobyerno at bilang suporta sa Nueva Ecija Provincial Task Force to End the Local Communist Armed Conflict.

AUTHOR PROFILE