Default Thumbnail

Magsasaka ‘pinatay sa bugbog’

May 21, 2023 Gil Aman 237 views

ISANG magsasaka ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Ibaba del Norte (Upland )Paete, Laguna, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ng Paete Police Station ang biktima na si Felizardo Regalario Repia.

Di pa kilala ang suspek na hinihinalang pinatay sa bugbog ang biktima.

Ayon sa saksi, pauwi na siya dakong 12:30 ng madaling araw nang marinig niya ang ingay mula sa bahay ng biktima kung kaya’t humingi siya ng tulong sa barangay captain.

May hawak pa umanong flashlight ang biktima nang matagpuan.

AUTHOR PROFILE