Default Thumbnail

Magandang panimula sa ating bagong “trabaho”

January 2, 2024 Paul M. Gutierrez 396 views

PaulBAGO ang lahat, binabati natin ang lahat ng isang Masaganang Bagong Taon! Harinawang maging mas maganda ang ating sitwasyon sa ‘Year of the Dragon.’

And yes, dear readers, balik tayo sa ating pahina matapos ang ilang buwang “pahinga” dahil sa ating pagkatalaga bilang opisyal ng gobyerno noong buwan ng Mayo sa ating kapasidad bilang executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

At masasabi nating isang “tagumpay” para sa PTFoMS ang nagdaang 2023.

Kabilang sa malaking proyekto ng PTFoMS ang limang Nationwide Media Summit na idinaos natin sa iba’t ibang rehiyon ng ating bansa sa tulong ng Public Attorney’s Office (PAO) na nasa mahusay na pamumuno ni Atty. Persida Acosta.

May temang “Promoting a Free and Responsible Press Towards a Safer Media Community,” unang umarangkada ang National Media Summit sa tinaguriang NCR-leg sa Maynila na dinaluhan ng mga mamamahayag sa buong Metro Manila noong September 19; sumunod ang Southern and Central Luzon-leg na ginanap sa Tagaytay City noong November 7; Visayas-leg na idinaos sa Cebu City noong November 21;

Mindanao-leg na ginanap noong December 4 sa Davao City; at, ang Northern Luzon-leg sa Baguio City noong Disymbreb11.

Nagalak tayo na sa mga pagtitipong ito, umabot sa halos 600 aktibong kasapi ng local/national media, mga public information officers (PIOs) ng iba pang mga ahensiya ng gobyerno at mga nasa akademya ang nakalap natin at aktibong nakilahok sa mga diskusyon.

Aber, ang naiwan pa nga nilang ‘Christmas wish,’ “sana” raw may kasunod pa, PCO Secretary Atty. Cheloy Garafil!

At dahil madali tayong kausap, abangan mga kapatid sa midya, ang iskedyul ng mga seminar natin ngayong taon. Meron, pramis!

Isa pang mahalagang pagtitipon na dinaluhan ng PTFoMS ay ang paggunita sa ika-14 na taon ng madugong Ampatuan Massacre na ikinasawi ng 58 katao kabilang ang 32 mamamahayag.

Personal tayong nagtungo sa massacre site sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao kung saan nakadaupang palad natin ang mga kaanak at kaibigan ng mga biktima ng karumal-dumal na pagpatay. Sunod ay nagtungo tayo sa Forest lake Memorial Park sa General Santos City, kung saan nakahimlay ang may 14 na kagawad ng media na napaslang din sa naturang masaker. Doon ay nakausap din natin ang mga kaanak ng mga biktima at tiniyak na patuloy ang pagtutok ng gobyerno sa kaso, at patuloy ang mga programa para sa pamilya ng mga naulila.

Doon ay tiniyak ng inyong lingkod, na patuloy na tututukan ang kaso at hindi titigil hanggang hindi nahuhuli ang mga nakalalaya pa rin na mga salarin.

Tiniyak din natin sa mga kaanak na patuloy ang isinasagawang programa para sa patuloy na pagbangon ng mga naulilang kaanak ng mga media na napatay sa naturang masaker.

Sumunod na araw noong November 24, 2023, nag-courtesy call tayo kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod B. Ebrahim, kung saan nagtalakayan hinggil sa kasalukuyang estado ng peace and order sa rehiyon. Doon ay nabatid natin ang mga programa para sa tuloy-tuloy na kapayapaan sa rehiyon; ) personal nating nasaksihan ang sitwasyon ng katahimikan sa rehiyon. Plano din ng PTFoMS na magsagawa ng National Media Summit sa Cotabato City ngayong taon.

At nasabi nating tagumpay ang unang 6-buwan natin sa PTFoMS, ES Lucas Bersamin, dahil nga sa maikling panahong nabanggit, “naiangat” natin ng isang baytang ang ranggo ng Pilipinas sa Global Impunity Index ng Committee to Protect Journalists (CPJ) sa katatapos na taon.

Matapos “matengga” sa ika-7 puwesto sa huling 2-rain ng administrasyon ni PRRD, naiangat natin ito sa ika-8 puwesto pagkaraan lang ng 6-buwan.

Bakit naman hindi, samantalang ang 5 naitalang pag atake sa hanay ng midya sa ilalim ni PBBM, nabigyang linaw at solusyon.

Hanggang sa susunod, dear readers!

AUTHOR PROFILE