TVJ

Magaganap sa ‘Eat Bulaga’ hinihintay ng lahat

March 5, 2023 Aster Amoyo 552 views

TVJ1TonyMAINIT na pinag-uusapan ngayon ang pag-take over umano ng businessman at dating kongresista ng Zamboanga del Norte na si Romeo `Romy’ Jalosjos, Sr. ng kumpanyang TAPE, Inc. or Television and Productions Exponents, Inc. na siyang producer ng top-rating and longest-running noontime program na “Eat Bulaga” which will be celebrating its 44th anniversary sa darating na July 30. Pero malamang na maiba na ang celebration ng nasabing programa dahil may balitang pinagre-resign umano ang bumubuo ng cast sa pangunguna ng tatlong poste ng show na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Si G. Jalosjos umano ang may hawak ng major share ng kumpanya with Tony Tuviera as his business partner. Lumutang ang balita na may plano umano si G. Jalosjos na tanggalin si G. Tuviera gayundin ang Tito, Vic & Joey considering na si Tony at ang TVJ ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nariyan pa rin ang ‘Eat Bulaga,’ the only noontime program na tumagal nang over 43 years in the business.

Si G. Tuviera rin ang nagpalago ng TAPE, Inc. laluna nung mga panahong nakapiit ang dating kongresista na tumagal ng 12 taon.

Gayunpaman, hindi natin alam ang inner story, pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo, may mga drastic moves and decisions na kailangang gawin at ipatupad na unpopular sa iba.

Higit kina G. Tony Tuviera, TVJ and the rest of the cast maging ng ilang mga empleyado ng kumpanya, separation and changes are inevitable at ang mga manonood ang unang tiyak na maapektuhan dahil nasanay na sila sa loob ng mahigit na apat na dekada.

According to our source, gusto diumano ni G. Jaloslos na i-rebrand ang “Eat Bulaga” with new set of hosts and give it a fresh look.

Sa part naman ni G. Tuviera, TVJ at iba pang mawawala sa “Eat Bulaga” na sila ang nagsimula at nagpasikat, there will be other options for them to consider.

Natitiyak naming na bukas ang Net25 and TV5 for a new lunch time show kung saan mapapanood ang TVJ at mga regular faces ng “Eat Bulaga” tulad nina Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola, Maine Mendoza at iba pa.

Samantala, gaano kaya katotoo ang nasagap naming balitanahanggang December 31, 2023 na lamang ang kontrata ng “Eat Bulaga” sa GMA at pinag-iisipan na rin umano ng Kapuso network na magkaroon ng sarili nilang noontime program? Kung ito’y totoo, paano ang “Eat Bulaga” under the new management ni G. Jaloshos?

For now, we can only speculate at siguradong may mga ongoing talks na rin sa magkakaibang panig kaya wait and see ang lahat.

Anne at Erwan sa Tokyo ipinagdiwang ang third birthday ni Dahlia

AnneAnne1Anne2ANG first child ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie turned three years old last March 2 at nag-celebrate ang family sa Tokyo Disneyland in Tokyo, Japan. Nag-enjoy nang husto si Dahlia sa iba’tibang rides and Disney characters with her celebrity parents. She was dressed up in Cinderella costume and looked like a little princess.

Meanwhile, Anne is slowly returning to showbiz tulad sa kanyang hosting job sa long-running noontime program na “It’s Showtime” kung saan may tatlong taon din siyang nagpahinga. It was also revealed na muli siyang gagawa ng panibagong project with Viva and Reality Studios nina Direk Erik Matti and Dondon Monteverde bilang follow-up sa kanyang critically-acclaimed “Buy Bust” movie in 2018.

Patuloy din ang pagiging in-demand celebrity endorser ni Anne pati na ang pagiging isang philanthropist.

Kasali si Anne sa 2023 Tokyo Marathon to raise funds for UNICEF Philippines

Samantala, bago ang ika-3 birthday ni Dahlia, naunang nag-birthday ang actress-host nung February 17 na sinundan ng 80th birthday ng kanyang dad last February 25 naginanap sa isnga beach resort in La Union.

Beth at mommy Zeny nagkita pagkatapos ng 14 na taon

TamayoTamayo1WE are happy for Beth Tamayo and her mom, Zeny Tamayo dahil pagkalipas ng 14 na taon ay muli silang nagkitasa Tokyo, Japan kung saan kalahok ang San Francisco-based actress sa 2023 Tokyo Marathon. Kasama ni Beth ang kanyang second husband, ang American national na si Adam Hutchinson and their almost two-year-old baby na si Sloanne Isabelle. It was a happy and tearful reunion dahil doon din nakita at nakilala in person ni Mommy Zeny ang kanyang manugang maging ang kanyang apo.

Although madalas mag-usap ang mag-inang Mommy Zeny at Beth, iba pa rin ang pakiramdam na nayayakap ng ina ang kanyang anak.

Jodi at Richard masaya sa muling pagsasama

JodiJoshuaJoshua1MAKAILANG beses na ring ni-replay ng Kapamilya Channel ang hit TV series na “Be Careful with My Heart” na pinagtambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap in 2012 at tumagal hanggang 2014.

Ang dalawa ay muling nagsama sa pelikulang “My Acky Breaky Heart” in 2016 na tinampukan din ni Ian Veneracion at pinamahalaan ni Antoinette Jadaone. They also got reunited sa TV series na “Sana Dalawa ang Puso” in 2018 until lumipat si Richard sa bakuran ng GMA nung December 16, 2020.

No one would think na posible pang magkasamang muli sina Jodi at Richard dahil nasa magkaibang TV network na ngayon ang dalawa pero natuwa ang kanilang fans when it was announced na muling magsasama sa isang TV series ang dalawa sa first-ever collaboration ng ABS-CBN, GMA at Viu streaming app sa pamamagitan ng “Unbreak My Heart” na pinamamahalaan ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal. Ang cast ng nasabing serye ay kasalukuyang nasa Italy kung saan kinukunan ang iba’t ibang eksena pagkatapos nilang makapag-shoot sa Switzerland.

Super happy sina Jodi at Richard sa kanilang balik-tambalan gayundin sina Joshua Garcia at Gabbi Garcia sa kanilang unang tambalan.

“Unbreak My Heart” will premiere in the Philippines on GMA at Kapamilya digital platform at mapapanood din in more than 15 territories via Viu. Isa itong makasaysayang kolaborasyon ng tatlongmagkakaibang kompanya – ABS-CBN, GMA and Viu.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE