Cendana Akbayan Rep. Perci Cendaña

MAG-INDEFINITE LEAVE KAYO!

October 21, 2024 People's Tonight 362 views

Akbayan kina Bong Go, Bato:

SA gitna ng napipintong imbestigasyon ng Senado sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, nanawagan si Akbayan Rep. Perci Cendaña kina Senador Christopher “Bong” Go at Ronald “Bato” Dela Rosa na mag-indefinite leave muna habang hindi pa tapos ang pagsisiyasat.

Ipinunto ni Cendaña na ang malaking papel nina Go at Dela Rosa sa pagpapatupad ng anti-drug campaign, kasama na ang umano’y pagbibigay ng pabuya sa mga pulis na nakakapatay ng drug suspek, ay nagpapakita ng malinaw na conflict of interest at ang paglahok nila sa imbestigasyon ay makakaapekto sa kredibilidad nito.

“Para namang pinagbabantay mo ang asong-gubat sa mga tupa, o pinagbabantay mo ang mga bayawak sa mga manok — gusto nilang maging imbestigador, pero sila mismo ang dapat iniimbestigahan. Senators Go and Dela Rosa can’t be allowed to judge the very bloodstains on their hands,” sabi ni Cendaña.

Kung dadalo umano sina Go at Dela Rosa sa pagdinig ay dapat bilang resource persons lamang at hindi mga senador upang matiyak ang pagiging independent ng isasagawang imbestigasyon.

“Senators Go and Dela Rosa are not mere bystanders in this deadly chapter of our history — they are central figures. Their close association with Duterte and alleged active roles in perpetuating the killings mean that they cannot, in good conscience, participate in this probe as if they were mere observers. The Senate owes it to the Filipino people, especially the families of those who were unjustly killed, to conduct a credible investigation without any semblance of whitewashing or cover-up,” dagdag pa ni Cendaña.

Nais imbestigahan ng Senado ang anti-drug policy ng administrasyong Duterte na kinondena maging sa ibang bansa dahil sa dami ng nasawi.

Naniniwala si Cendaña na ang imbestigasyon ay isang hakbang upang itama ang mga maling nagawa ng administrasyong Duterte at mapanagot ang mga may sala.

AUTHOR PROFILE