Mag-iinang Vilma, Luis at Ryan sabay-sabay sasabak sa pulitika

October 4, 2024 Aster Amoyo 462 views

Vilma1Vilma2Vilma3Vilma4SA tuwing lumalapit ang panahon ng halalan ay madalas nauungkat ang pagpasok sa pulitika ni Luis Manzano na hindi natutuloy. Pero nitong nakaraang October 3, 2024 ay kasama na si Luis ng kanyang inang si Vilma Santos-Recto at younger brother na si Ryan Christian Santos Recto na nag-file ng kanilang kandidatura sa magkakaibang posisyon.

Muling babalikan ng Star for All Seasons at dating politician na si Vi ang kanyang pagiging public servant na 22 taon niyang binuno nang siya’y manungkulan ng siyam na taon bilang mayor ng Lipa City, siyam na taon bilang gobernador ng Batangas at at tatlong taon o isang term bilang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Batangas.

Dalawang taon lamang nagpahinga si Vi sa kanyang political career at muli niya itong babalikan nang siya’y maghain ng kanyang kandidatura sa pagka-governor ng Batangas at magiging ka-tandem naman niya ang kanyang panganay na si Luis Manzano bilang vice-governor habang si Ryan Christian naman bilang kinatawan ng ika-apat na distrito ng Batangas na dating tangan ng kanyang ina at amang si Finance Secretary Ralph Recto.

Ang clamor ng mga Batangueno na siya’y bumalik sa public service ang nagbunsod kay Vi na muling tumakbo para sa mid-term elections on May 12, 2024.

Noon pa man ay hindi isinarado ni Luis ang posilibidad na pasukin din ang pulitika tulad ng kanyang inang si Vilma Santos-Recto, his stepfather na si Finance Secretary Ralph Recto maging ang kanyang amang si Edu Manzano na minsan ding nanilbihang vice-mayor ng Makati.

Tulad ni Luis, bagito rin sa larangan ng politika ang kanyang nakababatang kapatid (sa mother side) na si Ryan Christian Santos Recto na kakandidato rin sa pagka-kongresista sa unang pagkakataon.

Ang larangan ng public service ay hindi na bago kina Luis at Ryan na parehong lumaki na nasa pulitika ang mga magulang. Likas din sa magkapatid ang pagiging matulungin sa kanilang kapwa in their own capacity kahit wala pa sila sa politika at ito ang dahilan kung bakit pareho nila ito papasukin, ang makapaglingkod at makatulong sa mas marami pa nilang mga kababayan.

Ayon kay Luis, masinsinan umano silang nag-usap ng kanyang wife na si Jessy Mendiola, who, at first ay hindi pabor sa kanyang pagpasok sa pulitika pero sa kalaunan ay naunawan din nito ang purpose ng kanyang pagsali sa ring of politics na suportado na niya ngayon. Alam kasi ni Jessy na mababago ang takbo ng kanilang buhay kapag nasa public service na ang kanyang mister.

Bukod kay Jessy, suportado rin ng dating congressman at senador at ngayon ay Finance Secretary sa administrasyong Marcos na si Sec. Ralph Recto ang pagbabalik-pulitika ng kanyang misis na si Vi, ang pagpasok sa politika ng kanilang anak na si Ryan Christian maging ng kanyang step-son na si Luis.

Sakaling manalo sina Vi, Luis at Ryan, gusto ng mag-iina na tulung-tulong sila sa paglilingkod at pagbibigay serbisyo sa mga taga Batangas.

Phillip muling susubok sa pagka-senador

MULING susubok sa larangan ng pulitika ang dating veteran at dating action star na si Phillip Salvador sa pagka-senador at sabay niyang nag-file ng kanilang COC (Certificate of Candidacy) last October 3, 2024 ang kanyang mga kaibigan (magmula pa sa Duterte Administration), ang mga incumbent senators na sina Sen. Bong Go at Sen. Ronald `Bato’ de la Rosa.

It was in 2016 nang unang tumakbo si Ipe (Phillip) sa pagka-vice governor ng Bulacan bilang ka-tandem ni Josefina de la Cruz na siya namang kumandidato sa pagka-governor pero pareho silang hindi pinalad but he’s giving it another try sa darating na halalan bilang senador.

Doc Willie kakandidato kahit nagpapagamot sa Singapore

KAHIT meron na siyang terminal cancer (sarcoma or abdominal cancer) at kasalukuyang nagpapagamot sa Singapore, muling kakandidato sa pagka-senador ang tinaguriang `Doctor ng Bayan’ na si Dr. Willie Ong. Ang kanyang misis na si Dra. Liza Ong ang nag-file para sa kanya ng kanyang COC.

Paano kaya mangangampanya si Dr. Willie Ong gayong patuloy pa rin siyang nagpapagamot at nakikipaglaban sa kanyang sakit na cancer?

Tumakbo rin noon ang `Doctor ng Bayan’ sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections sa partido ni Isko Moreno pero pareho silang hindi pinalad na manalo.

Mga nagbabalik na artistang pulitiko

PicPic1MARAMI ang nagbabalik-pulitika sa darating na mid-term elections. Muling kakandidato sa pagka-senador sina dating senador Tito Sotto, Panfilo `Ping’ Lacson at ang boxing hero na si Manny Pacquiao. Muli ring kakandidato sa pagka-vice mayor ng Makati ang actor-politician na si Monsour del Rosario bilang ka-tandem ng outgoing senator na si Nancy Binay na siyang tatakbo sa pagka-mayor ng Makati. Magpapalit ng posisyon ng magkapatid na Abby at Nancy Binay. Ang outgoing mayor ng Makati na si Abby ay siyang kakandidato sa pagka-senador.

Papasukin na rin ang pulitika ng second son ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na si Michael Pacquiao na kakanditato naman bilang konsehal ng General Santos City.

Kung ang actor-politician na si Yul Servo ang kasalukuyang vice-mayor ng Maynila at muling kakandito for the same position bilang ka-tandem ng incumbent mayor na si Honey Lacuna, tatakbo naman sa pagka-kongresista ng isang distrito ng Maynila ang kapatid ni Yul na si Apple Nieto at magiging ka-alyansa ni Isko Moreno na muling tatakbo sa pagka-mayor ng Maynila with Chi Atienza as his vice-mayor.

In politics, kahit magkakapamilya ay nagkakawatak-watak.

Muli namang tatakbo sa pagka-konsehal ang incument councilor ng Angeles City na si JC Parker, dating miyembro ng Viva Hot Babes at misis ng ex-husband ng namayapang singer-actress na si Isabel Granada na si Geryk Genasky.

Seeking for reelection ang magka-tandem bilang gobernador at vice-governor ng Bulacan na sina Daniel Fernando at Alex Castro.

Since sa Martes, October 8 pa ang huling araw ng pagpa-file ng COCs, tiyak na marami pang taga-showbiz ang hahabol.

Mitch bagsak sa college kaya nag-artista

MitchVETERAN singer, actress and stand up comedienne Mitch Valdez is a very independent person hanggang ngayon na kanyang natutunan when she was still a kid who was raised in Japan kung saan kumakatanta ang kanyang ama na kasama sa isang band.

Very independent ang mga tao sa Japan since they’re kids at hindi naiba rito si Mitch maging ang kanyang younger brother. She was studying in an international school in Japan at nang sila’y bumalik ng Pilipinas ay nagpatuloy siya sa kanyang pag-aaral sa Assumption College pero hindi niya natapos ang kanyang kolehiyo when she failed in her accounting subject at naging abala na siya sa kanyang career sa teatro hanggang sa siya’y mapasok sa mainstream movies in 1976 nang gawin niya ang pelikulang “Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo” na pinamahalaan ni Lino Brocka.

She was already in her senior grade nang bumalik sila ng Pilipinas hanggang sa mauwi sa hiwalayan ang relasyon ng kanilang parents when she was 12 habang 7 years old naman ang kanyang kapatid.

Sobra umanong nasaktan ang kanyang ina sa paghihiwalay nila ng kanyang ama kaya hindi na sila muling nagkita until after thirty years. Her father had already a different family in Australia at meron na silang half-siblings.

Since she was in grade school ay mahilig nang kumanta at umarte si Mitch na kanyang ipinagpatuloy when she was in her teens hanggang ngayon. Ang pangarap na maging doctor ay hindi na nito naisakatuparan pero siya’y umabot sa pre-med and shifted to broadcast communication na hindi rin niya tinapos.

Except for the driver, walang alalay si Mitch at siya rin mismo ang nagbitbit ng kanyang mga kailangan tulad ng damit, make-up at iba pang gamit kapag siya’y may shooting, taping or shows at sanay siyang kumilos on her own and also live independently from her younger brother na meron nang sariling pamilya.

SUBCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE