Madrona Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona

Madrona, Frasco: Turismo sa CL lalong yayabong

June 15, 2023 Mar Rodriguez 425 views
Frasco
Tourism Secretary Maria Christina Garcia Frasco

KOMPIYANSA ang House Committee on Tourism na lalong uunlad ang turismo sa Central Luzon sa pamamagitan ng Clark International Airport (CRK) matapos magpulong ang Department of Tourism (DOT), Department of Transportation (DOTr) kabilang na ang mga kasapi ng Civil Aeronautics Board – Technical Working Group (CAB-TWG) patungkol sa pagpapa-unlad sa nasabing paliparan.

Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Tourism Committee sa Kamara, na napakahalaga na makapag-balangkas ng mga plano ang pamahalaan kung papaanong made-develop ang mga “major gateway” o lagusan papasok ng Pilipinas tulad ng CRK.

Binigyang diin ni Madrona na ang isasagawang improvement sa mga tinatawag na “major gateways” kabilang na dito ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport sa Pampanga ang magbibigay ng magandang impression sa mga pumapasok na turista sa Pilipinas.

Ganito rin ang pananaw ni Tourism Secretary Maria Christina Garcia Frasco matapos mag-convene ang tatlong ahensisya para sa “enhancement” o improvement ng CRK na inaasahang lalong magpapadami sa bilang ng mga pumapasok na international at local tourists sa Northern at Central Luzon.

Suportado din ni Madrona ang inaasintang “goal” ng Department of Tourism (DOT) alinsunod sa “vision” ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na maging “powerhouse” sa buong Asya ang turismo ng Pilipinas kung kaya’t kailangan maisulong ang improvement sa mga tourism infrastructure projects.

AUTHOR PROFILE