Luffy

Luffy gang member dineport pa-Japan

June 11, 2024 Jun I. Legaspi 384 views

NAI-DEPORT na ng Bureau of Immigration (BI) noong Martes ang Japanese national na hinihinalang miyembro ng Luffy gang na sangkot sa theft at fraud sa Japan.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang idineport na si Takayuki Kagoshima, 54.

Inaresto si Kagoshima sa Pasay City noong March 4 ng mga tauhan ng BI fugitive search unit (FSU).

Ineskortan ng team ng Japanese police lulan ng Japan Airlines flight patungong Narita, Tokyo and suspek. Si Kagoshima ang ika-pitong suspected member ng “Luffy” gang na naideport ng BI.

Ang unang anim na miyembro idineport noong Pebrero at Marso at pinatalsik sa pamamagitan ng summary deportation order noong Oktubre 2023.

“There will be no letup in our campaign to hunt and deport all foreign fugitives who are hiding in the country. We cannot allow the Philippines to become a refuge for these wanted criminals,” pagtitiyak ni Tansingco.

Natuklasan pa na miyembro rin si Kagoshima ng “JP Dragon” syndicate na sangkot sa pagnanakaw ng cash cards sa pamamagitan ng pagpapanggap na police officer.

AUTHOR PROFILE