Lubid CUT OFF–Ang lubid na pinag aagawan ng mga deboto para mahatak ang Traslacion papuntang simbahan ng Quiapo. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lubid ng Andas naputol

January 9, 2024 Jonjon Reyes 457 views

Lubid1NAANTALA at bumagal ang usad ng Traslacion makaraang maputol ang lubid na nagsisilbing panghila sa Andas.

Ayon sa Quiapo Church Command Post, nakaapekto sa takbo ng Andas ang pagkakaputol ng lubid.

Naputol ang tali bago lumiko sa Arlegui St. sa kanto ng Quezon Blvd. kaya isa na lamang ang nagsisilbing panghila sa Andas ng mga deboto.

Ayon sa simbahan, dalawa pa rin ang humihila na lubid pero umiksi ang isa dahil sa pagkaputol.

“Clarification po sa naputol na lubid, still dalawang lubid pa rin po ang gamit sa prusisyon. Ang kaliwang bahagi lang po nito umiksi dahilan sa pagkaputol,” ayon pa sa Quiapo Church Command Post.

AUTHOR PROFILE