Default Thumbnail

LTO offices sa NCR, Cavite, Rizal, Laguna, Bulacal balik operations

May 2, 2021 Jun I. Legaspi 355 views

BALIK operations na ngayong Lunes (May 3, 2021) ang lahat ng offices ng Land Transportation Office sa National Capital Region, Cavite, Rizal, Laguna at Bulacan,

Ang announcement ay ibinahagi ng leadership ng agency sa kanilang official Facebook page.

Hininto ang operations ng agency March 29, hanggang April 4, 2021 upang magsagawa ng disinfectant procedures. Patuloy na sarado ang LTO offices matalos ilagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) and NCR, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan noong April 5, hanggang 15, at nagpatuloy hanggang May 2,2021.

Bilang pagtalima sa health protocols at masusing pagsunod sa social distancing magpapatupad ng skeleton force at shifting assignments ang lahat ng involved na LTO offices.

Nanawagan din ang leadership ng agency na gamitin ng publiko ang on-line at appointment services ng LTO.

AUTHOR PROFILE