LTO1 Photo: LTO-Central Office Communications

LTO, DMW program papadaliin renewal ng lisensiya ng OFWs

June 7, 2024 Jun I. Legaspi 196 views

NAGLUNSAD ang Land Transportation Office (LTO) at ang Department of Migrant Workers (DMW) ng isang programa na magpapadali sa renewal ng lisensya ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na naninirahan o nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang programa ay naglalayong mapadali ang proseso para sa online renewal ng lisensya ng mga Pilipinong nasa ibang bansa sa ilalim ng “Pinabilis sa Bagong Bayani ang Magkalisensya,” o ang LTO PBBM Project.

“This initiative is another product of the instruction of our President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. not only to make the government services fast and comfortable to all Filipinos, whether in the Philippines or in abroad, but also in his directive to go digital to further bring government services closer to the people,” ani Assec Mendoza.

Aniya, ang LTO PBBM Project ay resulta ng talakayan sa pagitan nina Department of Transportation Secretary Jaime J. Bautista at DMW Secretary Hans Leo Cacdac.

Sa ginanap na launching ng programa na kasabay ng pagdiriwang ng Migrant Workers Day sa tanggapan ng DMW sa Mandaluyong City, nagpahayag ng pasasalamat si Secretary Cacdac kina Secretary Bautista at Assec Mendoza para sa paghahanap ng mga paraan upang mapabuti ang mga serbisyo para sa mga Pilipinong migranteng manggagawa.

Binanggit ni Secretary Cacdac ang kahalagahan ng driver’s license sa ilang mga trabaho ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Sinabi ni Assec Mendoza na ang LTO PBBM Project ay mag-aalok ng maginhawang paraan para sa mga Pilipinong naninirahan o nagtatrabaho sa ibang bansa upang i-renew ang kanilang mga lisensya nang hindi kinakailangang personal na pumunta sa LTO.

Ipinaliwanag niya na ang proyekto ay magpapadali sa proseso ng pag-renew at gagawing mas madali para sa mga Pilipinong nasa ibang bansa na mapanatili ang kanilang valid Philippine driver’s license.

“This project will save time and reduce the financial burden on Filipinos living or working abroad who might otherwise need to travel back to the Philippines to renew their driver’s license,” ani Assec Mendoza.

“This is also aimed at aligning with global trends in e-governance and modernizing government services by offering online license renewal, reflecting a commitment to digital transformation,” dagdag niya.

AUTHOR PROFILE